Iparamdam sa kapwa na hindi ito nag-iisa – CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 905 total reads

Sikaping kalingain at iparamdam sa kapwa na hindi ito nag-iisa sa kabila ng patuloy na pag-iral ng iba’t ibang krisis sa lipunan.

Ito ang sinabi ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Health Care Executive Secretary, Camillian priest Father Dan Cancino hinggil sa mga nakakaranas ng mental health problems dulot ng krisis.

Ayon kay Fr. Cancino, makabubuti na laging kumustahin ang kapwa na nakakaranas ng lubos na kalungkutan o depresyon upang maramdaman na mayroon itong kasama sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay.

“Ang maganda talagang gawin is to accompany. I-accompany itong mga taong nag-a-undergo ng anxiety at depression. Pakinggan sila at i-assure sa kanila na ikaw ay nandoon para sa kanila,” bahagi ng pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag ng opisyal na karamihan sa mga tao lalo na ngayong pandemya ang walang masandalan upang mapagsabihan ng mga suliranin sa buhay.

Kaya’t ang iba rito na sa halip na makita ang pag-asa ay mas pinipili na lamang na tapusin ang sariling buhay.

Sinabi naman ni Fr. Cancino na maliban sa mga eksperto tulad ng mga psychiatrist, ang bawat isa ay may kakayahang matulungan ang kapwang nakakaranas ng depresyon upang muling makita ang pag-asa at kapayapaan ng kalooban sa kabila ng iba’t ibang nagaganap sa lipunan.

“Dapat tayo’y umaksyon na ngayon. Hindi lamang yung mga professionals ang may kakayahang pagalingin ang mga may depression, kundi ang bawat isa sa atin ay may kakayahan at gampanin din na tulungan ang mga ito,” saad ni Fr. Cancino.

Batay sa National Center for Mental Health (NCMH) crisis hotline, tumaas ng 400 tawag kada buwan ang natatanggap ng ahensya kumpara sa 80-tawag lamang kada buwan bago dumating ang pandemya.

Ayon naman sa World Health Organization, mas marami ngayong edad 15 hanggang 29 na taong gulang ang nakakaranas ng depresyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 10,855 total reads

 10,855 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 109,994 total reads

 109,994 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 154,264 total reads

 154,264 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 177,375 total reads

 177,375 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 251,807 total reads

 251,807 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 144,413 total reads

 144,413 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top