VeritasPH

The Word, The Truth

Rehabilitation ng mga lugar na naapektuhan ng bagyong Odette, pinaghahandaan ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

 496 total views

Umabot na sa P20.3 million pesos ang paunang tulong na ipinadala ng Archdiocese of Manila sa pamamagitan ng social arm nito na Caritas Manila sa mga lalawigan at diyosesis na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Odette.

Tiniyak ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas 846 President Rev. Fr. Anton CT. Pascual na bago ang pagtatapos ng taong 2021 ay maramdaman ng mamamayan sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo na hindi sila tinatalikuran ng Simbahan at patuloy ito na makikiisa sa kanilang pagbangon sa pagpasok ng taong 2022.

Sa mensahe na ipinadala ni Fr. Pascual, sinabi nito na sa kabila ng mga pagsubok na pinagdadaanan ng mga sinalanta ng bagyo ay mayroon pa rin pag-asa hatid ng ating pananampalataya kay Kristo.

“Habang buhay may pag-asa sapagkat may Diyos na nagmamahal sa atin at kasama natin siya sa pagpasok ng bagong taon 2022. Sa harap ng mga pagsubok tulad ng mga kalamidad, tayo ay hindi nag-iisa. Kasama natin si Hesus at ang buong sambayanan na haharap at sa awa ng Diyos ay magtatagumpay,” mensahe ni Fr. Pascual para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

11 Diyosesis ang nakatanggap na ng ayuda mula sa Caritas Manila na kinabibilangan ng Archdioce of Cebu, Diocese of Tagbilaran at Talibon sa Bohol, Maasin sa Southern Leyte, Kabankalan, San Carlos at Dumaguete sa Negros Province at ang Archdiocese of Cagayan De Oro at Diocese Surigao kasama na ang Dinagat Island sa Mindanao.

Nakatanggap din ng tulong-pinansiyal ang Apostolic Vicariate ng Taytay at Puerto Princesa sa Palawan.

Ang nasabing pondo ay una nang ginamit ng mga naapektuhang diyosesis sa relief operation habang ang iba ay ilalaan para sa early recovery at rehabilitation.

Nagpapasalamat naman ang mga kaparian sa Visayas at Mindanao sa tulong na kanilang natanggap mula sa Caritas Manila.

“This is a great news. We do not only stop at the emergency response but can already start with the rehabilitation with this assistance,” mensahe ni Rev. Fr. Felix Warli Salise, ang Social Action Director ng Diocese of Tagbilaran sa Bohol Province.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC umabot sa 4.2 milyong katao ang naapektuhan ng bagyong Odette sa Pilipinas.

Una nang nagpahayag ng pakikiisa at panawagan na tumulong sa mga nasalanta ng bagyo ang ilang mga lider ng Simbahan katolika tulad ni CBCP President Pablo Virgilio David at Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 11,576 total views

 11,576 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 19,561 total views

 19,561 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 27,097 total views

 27,097 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 43,082 total views

 43,082 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 51,126 total views

 51,126 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Rowel Garcia

Mamamayan, hinimok na suportahan ang Fast2Feed campaign ng Pondo ng Pinoy

 20,616 total views

 20,616 total views 17 taon na ang Diocese of Antipolo na nagsasagawa ng feeding program sa iba’t ibang parokya na nasasakupan ng lalawigan ng Rizal at lungsod ng Marikina. Ito ang ibinahagi ni Ms. Mona Valencia ng Social Action Center ng Diocese of Antipolo sa pagpapatuloy ng kanilang programa para sa bata na kulang sa timbang

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

Huwag mag-aksaya ng pagkain, paalala ng simbahan sa mamamayan

 20,834 total views

 20,834 total views Pinalalahan ng Simbahang Katolika ang mamamayan na huwag mag-aksaya ng pagkain at gumawa ng pagtulong sa mga nagugutom lalo na ngayong Panahon ng Kuwaresma. Ito ang inihayag ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas 846 President Rev. Fr. Anton CT Pascual kaugnay sa suliranin ng Pilipinas sa mataas na bilang ng mga

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Caritas Manila, nagbigay ng cash aid sa mga nasalanta ng baha

 26,366 total views

 26,366 total views Nagpadala na ng P200 libong piso halaga ng tulong ang Caritas Manila para sa Archdiocese of Ozamis matapos makaranas ng pagbaha ang maraming residente sa Misamis Occidental. Labis ang naging pasasalamat ni Rev. Fr. Marvin Osmeña, ang Social Action Director ng Archdiocese of Ozamis sa Caritas Manila sa paunang tulong nito para sa

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

1.5-milyong pisong GC, ipapamahagi ng Caritas Manila at Radio Veritas sa World Day of the Poor

 20,706 total views

 20,706 total views Aabot sa P1.5 milyong piso na halaga ng gift certificates (GC) ang ipamimigay ng Simbahang Katolika sa mga mahihirap sa paggunita ng World Day of The Poor sa araw ng Linggo ika-13 ng Nobyembre taong 2022. Ang mga gift certificates mula sa Caritas Manila ay ipinamigay ng Radyo Veritas 846 sa pamamagitan ng

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Special telethon for typhoon Paeng victims, isasagawa ng Caritas Manila at Radio Veritas

 26,095 total views

 26,095 total views Patuloy ang ginagawang pag-agapay ng Caritas Manila sa iba’t-ibang mga lalawigan na naapektuhan ng bagyong Paeng. katuwang ang Archdiocese of Cotabato, ilang mga pamilya sa Maguindanao ang binigyan na ng tulong sa pagtutulungan ng nasabing Arkidiyosesis, Caritas Manila at Coca- Cola Foundation kung saan P500 libong piso ang agad na ibinahagi para sa

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Caritas organization at SAC, kumikilos na para tugunan ang epekto ng lindol sa Abra

 26,012 total views

 26,012 total views Kumikilos na ang iba’t-ibang Caritas Organization at Social Action Center ng Simbahang Katolika sa Northern Luzon upang alamin ang naging pinsala ng naganap na magnitude 6.7 na lindol nitong martes ng gabi. Ayon kay Rev. Fr. Ronnie Pillos, Social Action Director ng Diocese of Laoag sa Ilocos Norte, bagamat sila ay nagpapasalamat sa

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 18,654 total views

 18,654 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi ni Ms. Rowena Gabuya, ang program coordinator ng Pondo ng Pinoy sa lalawigan ng Biliran sa programang Caritas in Action. Ayon kay Gabuya, ilang mga lingkod ng Simbahan na siya

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

700K na GC, ipinamigay ng Radio Veritas at Caritas Manila sa mahihirap na pamilya

 18,594 total views

 18,594 total views Mahigit 700 daang libong piso na halaga ng ayuda ang ipinamimigay ng Radyo Veritas at Caritas Manila sa mga mahihirap ngayong buwan ng Oktubre 2022. Kasabay ng ika-69 na anibersaryo ng Caritas Manila, inilunsad ng programang Caritas in Action sa Radyo Veritas ang pamamahagi ng 690 na gift certificates na nagkakahalaga ng P1,000-piso

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Mga lider ng simbahan sa Luzon, nagpapasalamat sa maliit na epekto ng bagyong Karding

 20,760 total views

 20,760 total views Patuloy ang ating ginagawang pagkilos at komunikasyon ng iba’t ibang Diyosesis sa Luzon region kaugnay sa naging pinsala ng bagyong Karding. Batay sa pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas sa mga kinatawan ng Simbahan Katolika sa Cordillera Region, walang naging malaking epekto ang bagyo sa rehiyon bagamat may naitalang landslide sa Tinoc-Kiangan road. Kinumpirma ito

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Material Recovery Facility ng Caritas Manila, kabuhayan para sa mga taga-Baseco

 20,653 total views

 20,653 total views Anim-na raang pamilya mula sa Baseco, Tondo Manila ang nakikinabang sa itinayong Material Recovery Facility ng Caritas Manila sa pakikipagtulungan ng Coca-Cola Foundation. Ayon kay Bonna Bello- implementing program coordinator ng Caritas Manila sa BASECO bilang bahagi ng mga gawain ng social arm ng Archdiocese of Manila para sa mga mahihirap. Sinabi ni

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, nagpapasalamat sa Pondo ng Pinoy

 20,523 total views

 20,523 total views Nagpapasalamat ang Diocese of Ilagan sa patuloy na pagtulong ng Pondo ng Pinoy. Ayon kay Mother Mary Peter Camille Marasigan, FLDP o kilalala sa tawag na Mo. Camille, malaking tulong ang Pondo ng Pinoy sa kanilang mga programa na ginagawa sa lalawigan ng Isabela lalu na sa Feeding at Scholarship Program. Sinabi ni

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

Social arm ng bawat diyosesis sa Norte, nakaantabay sa epekto ng bagyong Florita

 18,355 total views

 18,355 total views Patuloy na nakaantabay ang social arm ng simbahan sa Northern Luzon sa posibleng epekto ng Tropical Storm Florita. Sa pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas 846 sa mga kinatawan ng Archdiocese of Tuguegarao sa Cagayan at Diocese of Ilagan sa Isabela, nanatili ang paghagupit ng bagyo sa kanilang mga lalawigan. Ayon kay Mo. Camille Marasigan

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

P4.7M, naibahaging tulong ng Caritas Manila sa mga napinsala ng lindol sa Northern Luzon

 25,732 total views

 25,732 total views Mahigit P4.7-milyong piso na tulong ang ibinahagi ng Caritas Manila sa 2 Diyosesis na napinsala ng magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon. Ito ay matapos muling magpadala ng P2.5 milyong piso na tulong pinansiyal ang social arm ng Archdiocese of Manila para sa Diocese of Bangued sa Abra at Archdiocese of Nueva

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

Diocese of Laoag at Diocese of Ilagan, maghahatid ng tulong sa Diocese of Bangued

 18,446 total views

 18,446 total views Maghahatid ng tulong ang Diocese of Laoag sa Ilocos Norte para sa mga naapektuhan ng Magnitude 7 na lindol sa lalawigan ng Abra. Ito ang tiniyak ng Social Action Center ng Diyosesis matapos na makaiwas sa malaking pinsala ang kanilang lalawigan mula sa malakas na paglindol noong Miyerkules. Ayon kay Heneng Nieto, Coordinator

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

Diocese of Bangued, magsasagawa ng relief intervention sa mga apektado ng lindol

 18,510 total views

 18,510 total views Kumikilos na ang Diocese of Bangued sa lalawigan ng Abra para agad na makapagsagawa ng paunang pagtulong para sa mga naapektuhan ng paglindol. Ayon kay Rev.Fr. Jeffrey Bueno, Social Action Director ng Diyosesis ng Bangued, nagsimula na ang kanilang on ground assessment at pagtukoy sa mga Parokya o Simbahan na may malaking pangangailangan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top