Pagbisita ng Poong Hesus Nazareno sa Antipolo Cathedral, paanyaya na patatagin pa ang pananampalataya sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,170 total reads

Itinuturing ni National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage Parochial Vicar Rev. Fr. Melchor Andaya na paanyaya ng Diyos upang patatagin ang pananampalataya ng bawat mamamayan ang isinasagawang localized Traslacion.

“Lagi itong paalala na ang Diyos ay nag-aanya na tumatag tayong lahat sa pananampalataya, si Hesus Poong Nazareno kahit dala-dala niya ang Krus, nabuhat niya ito nang may pagsunod at malaking pagmamahal sa Ama, kaya ayon din ang panawagan sa atin at iyon din ang tulong para manatili tayong tapat sa Nazareno at kahit sa Mahal na Ina,” ayon sa Panayam ng Radio Veritas sa Pari.

Pagbabahagi naman ni Minor Basilica of the Black Nazarene Parochial Vicar Rev. Fr. Earl Valdez, sumisimbolo ang pagbisita ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa dambana ng Antipolo sa pagsasabuhay ng bawat Pilipinong nagpapahalaga sa kanilang pamilya ng nakaugaliang pagbisita ng mga anak sa kanilang mga magulang.

“Bagamat walang tahasang ebidensya na may ganitong nangyari, hindi naman malayong imahinasyon, hindi naman malayo sa buhay ng tao na tayo’y binibisita ng ating mga mahal natin sa buhay kaya ito ay may simbolikong pagpapahalaga na yung pagiging malapit ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa Mahal na Ina kaya naglalakbay siya patungo rito sa magkabilang dulo ng Metro Manila, sa Quiapo at ngayon sa Antipolo.” ayon din sa panayam ng Radio Veritas sa Pari.

Batid din ni Father Valdez ang impluwensiyang idinudulot ng Traslacion sa debosyon ng mananampalataya sa Panginoon sa buong daigdig.

“Hindi lang ito pambansang debosyon, subalit ito rin ay global at pang internasyonal kaya mahalaga na isa sa mga binibisita ng ating Mahal na Poong Hesus Nazareno ay ang mga deboto na naririto sa Antipolo bilang isang pakikiisa,” ani Father Valdez.

Inihayag ni Father Andaya na lubos rin ang pagpapatibay ng Traslacion sa pananampalataya hindi lamang ng mga deboto ng Poong Hesus Nazareno kung hindi maging ang mga iba pang mananampalataya ng Simbahang Katolika.

Dumating sa Antipolo Cathedral ang Imahen ng mahal na Poong Hesus Nazareno Bago ganap na alas-10 ng umaga noong ika-30 ng 2021.

Labis rin ang kagalakan na ipinahayag ng mga mananampalataya ng Antipolo sa pagdating ng Poong Hesus Nazareno.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 16,040 total reads

 16,040 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 5,565 total reads

 5,565 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 87,199 total reads

 87,199 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 181,424 total reads

 181,424 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 241,914 total reads

 241,914 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 255,541 total reads

 255,541 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top