Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 531 total reads

Ang kahalagahan ng agham at ang pagbabahagi ng impormasyon ukol dito ay isa sa mga leksyong napalutang ng pandemya sa sandaigdigan.

Sa buong mundo, kapanalig, naging napakahirap makapagbigay at makapagmudmod ng tamang impormasyon. Ang fake news ay naglipana. Ang mga pahayag ng mga eksperto ay hindi tinatanggap ng marami. Ang mga warning o babala ng mga otoridad ay tila walang nakakarinig. Ang mga datos na nagmula sa maliit o malawakan mang pag-aaral ay hindi pinapansin. Ang mga hoax, conspiracy theories, at tsismis ay nagkalat.

Kapanalig, bakit nga ba mas mahigipit ang kapit ng mga kwento-kwento kaysa mga datos sa mga tao, kahit saan mang panig ng mundo? Basta tsismis, sinasabi natin basta, may usok may sunog. Pero pag dating sa siyensya o ogham, naglalagablab na nga ang katotohan, halos wala pa ring naniniwala.

Ngayong panahon ng pandemya, masasabi nga natin na maliban sa COVID-19, mayroon pang isang outbreak ngayon sa buong daigdig—ang infodemic.

Kapanalig, dahil na rin sa malakawang lockdowns noong 2020, mas mabilis ang pagkalat ng balita sa social media.  Nagkaroon na rin ng infodemic, isang kataga mula sa pinagsamang salita—information at epidemic. Ito ay ang mabilis at malawak na pagkalat ng impormasyon, tama man o mali, ukol sa isang bagay. Sa bilis at dami ng impormasyon, naghahalo-halo na ang katotohanan, haka-haka, tsismis, o kahit joke, at nanganganak na ng nanganganak ng bagong storya. Nagmu-mutate din, kumbaga. Dahil dito, mahirap na masala ang katotohanan at ang kasinungalingan.

Kapanalig, mapanganib kung hindi natin mama-manage ang infomedic sa panahon ng tunay na pandemic. Kamatayan ang kahihinatnan ng malawakang infodemic, na maari naman iwasan kung malinaw at dumadating sa tao ang tamang mensahe at impormasyon.

Malaki ang ating bahagi sa pagpuksa ng infodemic sa ating lipunan. Nakita ng isang pag-aaral kamakailan, “The Link Between Fake News Susceptibility and Political Polarization of the Youth in the Philippines” na mahigit kalahati ng kanilang youth respondents ay average lang ang kakayahan sa pagkilala kung ano ang fake news o hindi. Kung ang kabataan ngayon ay mahina sa discernment o critical thinking, paano na ang bayan?

Sabi nga sa John 8:32: The truth will set you free. Kapanalig, walang kalayaan sa taong nagbubulagbulagan at nagbibingihan. Magmasid at makinig. Maging mapanuri tayo. Nakasalalay dito ang ating hinaharap.  Huwag nating hayaang magkalat pa ang infodemic.

Sumainyo ang Katotohanan.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 14,391 total reads

 14,391 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 16,719 total reads

 16,719 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 34,171 total reads

 34,171 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 3,221 total reads

 3,221 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 85,003 total reads

 85,003 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 179,228 total reads

 179,228 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 239,717 total reads

 239,717 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 253,460 total reads

 253,460 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

1,2,3 kanya-kanya na!

 3,222 total reads

 3,222 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 85,004 total reads

 85,004 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 179,229 total reads

 179,229 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 239,718 total reads

 239,718 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »
Scroll to Top