Military Bishop, nagbabala sa artificial shortage ng paracetamol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 740 total reads

Nagbabala ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kaugnay sa posibleng ‘artificial shortage’ ng paracetamol sa mga botika lalo na sa Metro Manila.

Ayon kay Bishop Oscar Jaime Florencio ng CBCP Ministry on Health, huwag bumili ng gamot kung hindi naman kailangan upang may mabili ang mga may sakit.

Dagdag pa ng Obispo, maging kalmado at huwag magpanic sa pagbili ng mga gamot na magdudulot lamang ng takot sa publiko.

Una na ring tiniyak ng Department of Health na may sapat na supply ng paracetamol sa bansa.

“Kasakiman ang pagbili ng marami (gamot), ‘wag naman. Kung ‘di naman kailangan, ‘wag bumili. Hindi lamang tayo ang gustong mabuhay,” ayon pa kay Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Una na ring kumalat sa social media ang ulat nang pagkaubos ng paracetamol sa mga botika kasabay ng pagdami ng kaso ng nahawaan ng COVID-19 ngayong Enero na naitala sa higit 20 libo kada araw mula sa dating 1,000 kaso noong Disyembre.

Binigyan-diin naman ng Obispo na ang pagdami ng kaso ng may sakit ay isa ring paanyaya sa mga wala pang bakuna na magpabakuna laban sa COVID-19 bilang pag-iingat mula sa masamang epekto ng virus.

“Yes I believe, paraan para magpa-vaccine. Tayo naman na may vaccine na, let us give assurance to those unvaccinated na it is safe,” ayon pa sa Obispo.

Giit pa ng Obispo, matagal nang panawagan ng Simbahan ang pagpapabakuna bilang karagdagang pananggalang mula sa sakit.

Una na ring pinaalalahanan ng Obispo ang publiko na maging mahinahon sa kabila ng biglaang pagtaas ng kaso ng nahahawaan ng COVID-19.

Hiling ni Bishop Florencio sa publiko na patuloy na sundun ang health protocol at pananalangin para sa kalakasan at paghihilom ng mga may sakit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 250,310 total reads

 250,310 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 282,023 total reads

 282,023 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 383,849 total reads

 383,849 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 424,410 total reads

 424,410 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 434,376 total reads

 434,376 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top