Mamamayan ng Baguio, pinaalalahanan na sundin ang health and safety protocols

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 376 total reads

Muling hinikayat ng Diocese of Baguio ang mga mananampalataya na patuloy na sundin ang mga minimum public health standards hinggil sa pag-iingat laban sa COVID-19.

Ito’y kasunod ng muling pagpapatupad sa Baguio City ng panibagong quarantine classification status kung saan isasailalim ang lungsod sa Alert level 3 dahil sa banta ng Omicron variant hanggang January 15, 2022.

Ayon kay Bishop Victor Bendico na katulad ng dati ay susundin lamang ng diyosesis ang mga panuntunang ipinatutupad ng pamahalaan upang patuloy na maligtas ang publiko sa nakakahawang sakit.

“Wala naman akong ibang instructions para sa Diocese. Tulad pa rin ng dati, we just follow government protocols,” pahayag ni Bishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.

Maliban sa palagiang pagsusuot ng face masks at pagsunod sa physical distancing, ipapatupad din sa diyosesis ang 30-porsyento ng seating capacity sa loob ng simbahan para sa mga bakunadong mananampalataya batay na rin sa alituntunin sa ilalim ng alert level 3 status.

Habang sa labas naman ng simbahan ay pahihintulutan ang 50-porsyento ng kapasidad para naman sa mga hindi bakunadong indibidwal.

Batay sa tala ng Baguio City COVID-19 Monitoring, naitala ang 310 panibagong kaso ng virus sa lungsod kaya umabot na ngayon sa 927 ang aktibong kaso.

Patuloy ding hinihimok ng pamahalaan at simbahang katolika ang mamamayan na magpabakuna na laban sa COVID-19 upang maiwasan ang panganib na maidudulot ng virus sa kalusugan ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 250,863 total reads

 250,863 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 282,576 total reads

 282,576 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 384,402 total reads

 384,402 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 424,963 total reads

 424,963 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 434,891 total reads

 434,891 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 144,372 total reads

 144,372 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top