Pamahalaan, hinamon ng opisyal ng CBCP na isulong ang renewable energy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 866 total reads

Nananawagan sa pamahalaan ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mag-isip ng mga konkretong solusyon na makakatulong sa pagpapanatili at pangangalaga ng kalikasan at buhay ng tao.

Ayon kay Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan, Northern Mindanao Regional Representative ng CBCP, ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang ‘mining ban’ sa bansa ay magdudulot sa tuluyang pagkasira ng natural na sistema ng kapaligiran.

Sinabi ng arsobispo na nauunawaan nito ang malaking pangangailangan ng ekonomiya ng bansa ngunit hindi ito nangangahulugang ipagsapalaran ang kapakanan ng kalikasan para lamang muling makamtan ang pag-unlad ng bansa.

“There is a need to really treat this with a balanced perspective and bias for the ecology,” pahayag ni Archbishop Cabantan sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiitc ng opisyal na marami pang mga alalahanin ang dapat na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan tulad ng pagsusulong sa ‘Renewable Energy’ na tinalakay sa United Nations Climate Change Conference of Parties o COP26 Summit noong nakaraang taon.

Ipinaliwanag ni Archbishop Cabantan na higit na makakatulong ang renewable energy sa pagkakaroon ng malinis na enerhiya sa bansa, gayundin ang malinis na hangin kumpara sa pagtatayo ng maraming coal-fired power plant na ang nilalabas na maitim at mapanganib na usok ay nakakaapekto rin sa kalusugan ng mga tao.

“There are other concerns that we need to look into like our source of energy as discussed in COP26 Summit. We are still building more coal-fired power plants for instance, but is this really a solution? How we take care of the ecosystem will certainly impact our lives,” saad ng arsobispo.

Magugunita nitong Disyembre 2021 nang bawiin ng Administrasyong Duterte ang nationwide ban on open-pit mining na nagbunsod upang muling makapagsagawa ng operasyon ang mga mining companies sa bansa.

Kaugnay nito ay nanawagan din ang Alyansa Tigil Mina na ang pangyayaring ito nawa’y lalong mahikayat ang mga makakalikasan na piliin at iboto ang nararapat na kandidato ngayong Eleksyon 2022 na tunay na ipagtatanggol ang kalikasan laban sa patuloy na pagkasira.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 13,032 total reads

 13,032 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 63,398 total reads

 63,398 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 197,221 total reads

 197,221 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 282,604 total reads

 282,604 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 345,591 total reads

 345,591 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 226,529 total reads

 226,529 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top