Malinis at ligtas na halalan

SHARE THE TRUTH

 282 total views

Mga Kapanalig, ibinasura ng Commission on Elections (o Comelec) ang apela ng grupong National Coalition for Life and Democracy na ilipat sa 2025 ang halalan sa harap ng nagpapatuloy na banta ng Covid-19. Ayon sa grupo, malinaw daw sa ating Konstitusyon na dapat mangibabaw ang karapatang mabuhay, at ito ang pinakamataas at pinakasagrado sa lahat ng ating mga karapatan.

Maaaring ilipat ang petsa ng eleksyon kung aaprubahan ito ng mayorya ng mga miyembro ng Comelec en banc batay lamang sa mga sumusunod na dahilan: karahasan o violence, terorismo, pagkawala o pagkasira ng election paraphernalia, force majeure o pangyayaring labas sa ating kontrol, at iba pang katulad na dahilang gagawing imposible ang pagsasagawa ng malinis na halalan. Alinsunod naman sa Omnibus Election Code, kung ililipat man ang araw ng eleksyon, hindi ito dapat masyadong malayo sa itinakdang araw. Hindi ito dapat lumampas ng tatlumpung araw mula nang matapos ang sinasabing dahilan ng pagpapaliban.

Naglabas na ang Comelec ng mga gabay sa pagsasagawa ng eleksyon, at binibigyang-diin sa mga ito ang pagpapatupad ng health and safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 sa araw ng halalan. Sa inihaing budget para sa Comelec, makikitang itinaas ito upang mapondohan ang mga kakailanganin para maisagawa ang ligtas na halalan. Kasama sa mga gagastusan ang pamamahagi ng medical and health supply requirements sa bawat presinto at paglalagay ng health protocol desks na magsasagawa ng screening ng mga botante bago pumasok sa presinto.

Ngunit sapat na nga kaya ang mga gabay na ito? Gaano kahanda ang pamahalaan, lalo na ang Comelec, sa pagsasagawa ng ligtas na halalan sa gitna ng pandemya? Alam nating magtutulungan ang iba’t ibang ahensya at kailangan ang kooperasyon ng lahat upang matupad natin ang ating sagradong tungkuling pumili ng mga lider ng ating bayan. Ngunit hindi natin dapat isantabi ang anumang pangyayaring lalong maglalagay sa mga botante sa kapahamakan.

Halimbawa, hindi raw dapat lumampas sa sampung botante ang nasa loob ng isang presinto at hindi sila dapat magtagal ng 16 na minuto sa pagboto. Paano kaya ito maisasagawa sa mga lugar na may napakalaking voting population? Maglalagay ba ng mga pulis at sundalo sa mga paaralan para mapasunod ang mga tao? Sapat ba ang bentilasyon ng mga silid-aralan at may sapat bang espasyo para sa mga maghihintay ng kanilang pagkakataong bumoto?

Idagdag pa natin ang ilang tanong na inilatag sa Comelec ng dekano ng Ateneo School of Government na si Dr Ronald Mendoza: Ano ang contigency plan ng komisyon sakaling magkaroon ng surge sa araw ng halalan? Magkakaroon pa ba ng eleksyon sa mga lugar na naka-lockdown? Titiyakin din ba ng Comelec na bakunado ang mga botante sa mga lugar kung saan mabagal ang pamamahagi ng bakuna? Maaari ba kaya ang pagpapadala ng ating balota sa pamamagitan ng koreo? Mahalagang malinawan tayo sa mga bagay na ito habang papalapit ang araw ng halalan.

Mga Kapanalig, sabi nga ni Pope Pius XII, tayo ay tinatawag na laging lumahok sa buhay ng ating bayan, at kaakibat nito ang pagtupad sa ating tungkuling bumoto sa halalan. Ang pagboto ay maituturing nating isang pagkakataong gumawa ng mabuti sa lahat, wika nga sa Galacia 6:10. Ngunit malaking hamon ang kinakaharap natin dahil sa nagpapatuloy na pandemya at sa pagtugon dito ng pamahalaang maaari pa sanang mas pagbutihin. Marapat lamang na tanungin natin ang kinauukulan kung paano nila titiyaking malaya nating magagawa ang obligasyon nating ito nang walang anumang banta sa ating kalusugan at kaligtasan. Dapat nating matiyak na magkakaroon tayo ng halalan dahil ito ang unang hakbang kung gusto natin ng pagbabago sa ating bayang naghahanap ng katiyakan sa gitna ng pandemya.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 32,552 total views

 32,552 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 37,970 total views

 37,970 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 44,677 total views

 44,677 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 59,472 total views

 59,472 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 65,628 total views

 65,628 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 32,553 total views

 32,553 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 37,971 total views

 37,971 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 44,678 total views

 44,678 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 59,473 total views

 59,473 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 65,629 total views

 65,629 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,409 total views

 40,409 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 50,993 total views

 50,993 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 59,210 total views

 59,210 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,443 total views

 43,443 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,419 total views

 49,419 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 52,512 total views

 52,512 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 42,217 total views

 42,217 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,105 total views

 43,105 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,408 total views

 58,408 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 70,817 total views

 70,817 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top