Kabutihang panlahat sa lokal na pamamahala

SHARE THE TRUTH

 470 total views

Mga Kapanalig, isang magandang balita ang dumating para sa ating bansa, lalo na sa pamahalaang lungsod ng Butuan, noong isang linggo. Nagwagi ang siyudad sa 2021-2022 Bloomberg Philantrophies Global Mayors Challenge. Layunin ng timpalak na kilalanin ang mga proyektong ipinatutupad sa iba’t ibang siyudad upang magbahagi ng mga kaalaman at makahikayat ng mga lider na maging malikhain sa pagsusulong ng kaunlaran. Mahigit 600 proyekto mula sa halos isandaang siyudad sa buong mundo ang lumahok sa kompetisyon, at mapalad na napabilang ang Butuan City sa labinlimang siyudad na nagwagi.

Tinatawag na AgriBoost ang innovation project ng Butuan City na naglalayong mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa siyudad. Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ang proyekto sa kasagsagan ng pandemyang humamon sa ating mga magsasaka. Mayroong apat na components ang proyekto: AgriBloom, AgriHub, AgriMart, at AgriBoost Comms.

Sa AgriBloom, tinitingan ang mga gawaing mapaiigting ang produksyon ng mga magsasaka katulad ng pagbibigay sa kanila ng technical support, resources, at capability-building. Sa pamamagitan naman ng teknolohiya katulad ng pagkakaroon ng isang mobile app, pinadadali ng AgriHub component ng programa ang access ng mga magsasaka sa merkado at sa kabuuang value chain o ang iba’t ibang gawain at negosyong nangangailangan ng mga produkto mula sa mga sakahan. Kaugnay nito ang AgriMart, na nagsisigurong madaling naaabot ng mga mamimili ang mga produkto ng mga magsasaka. Ang AgriBoost Comms naman ay nakatutok sa pagbabahagi ng impormasyon. Ginagawa ito sa papamagitan ng mga programang School on Air at AgriBoost CommTeleradyo.

Para kay Department of Agriculture Secretary William Dar, makatutulong ang proyekto upang makamit ng siyudad at ng buong rehiyon ng CARAGA ang tinatawag na food security. Ayon naman kay Vice President Leni Robredo, mahalagang hakbang ang proyekto patungo sa pagpapalakas ng lokal na produksyon ng ating pagkain at sa kaunlaran ng mga magsasaka. Maliban sa pagkilala, makatatanggap ang proyekto ng isang milyong dolyar at technical support sa loob ng tatlong taon mula sa mga organizers ng patimpalak upang lalo pang mapabuti ang proyekto at makaambag sa kaunlaran ng siyudad.

Malinaw sa mga panlipunang turo ng Simbahan na ang pagsusulong ng kabutihang panlahat o common good ay ang pangunahing papel ng pamamahala. Sa pagkamit ng kabutihang panlahat, mahalaga ang pagsiguradong nabibigyang pansin ang kalagayan ng mahihirap at naisasantabi sa lipunan katulad ng ating mga magsasaka. Sa prinsipyo ng subsidiarity, makikita natin ang importansya ng pagtitiwala at pagpapalakas sa mga istruktura ng pamamahalang mas malapit sa taumbayan katulad ng lokal na pamahalaan. Hinihikayat ng subsidiarity ang mga mas nakataas na namamahala, katulad ng pambansang pamahalaan, na suportahan at itaguyod ang mga hakbang ng mga namamahala sa ibaba. Hindi ito nangangahulugang laging tama ang desisyon ng mga lider sa mga bayan at lungsod, ngunit kinikilala at binibigyang halaga nito ang kaalaman at kakayahan ng mga naroon mismo lalo pa’t mas nalalaman nila ang kanilang mga pangangailangan.

Ang AgriBoost ay isang halimbawa ng mabuting pamamahala. Sa pagtutok ng lokal na pamahalaan sa sektor ng agrikultura, naisasaalang-alang ang kalagayan ng mga magsasaka na isa sa pinakamahirap na sektor sa bansa. Ang pagkiling sa mga naisasantabing sektor ay hakbang patungo sa kabutihang panlahat. Naipakita din ng lokal na pamahalaan ng Butuan City ang potensyal ng isang pamamahalang may malikhaing tugon sa mga pangangailangan ng komunidad.

Mga Kapanalig, kung magiging tapat lamang ang mga lokal na pamahalaan sa kabutihang panlahat at magiging malikhain sila kanilang mga proyekto, mas bibilis ang kaunlarang walang naiiwan. Sa huli, tandan nating tayong “…lahat ang iisang katawan ni Kristo, at bawat isa ay bahagi nito”, ayon nga sa 1 Corinto 12:27. Isulong natin ang kabutihang panlahat sa mga lokal na pamahalaan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 32,684 total views

 32,684 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 38,102 total views

 38,102 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 44,809 total views

 44,809 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 59,604 total views

 59,604 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 65,760 total views

 65,760 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 32,685 total views

 32,685 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 38,103 total views

 38,103 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 44,810 total views

 44,810 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 59,605 total views

 59,605 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 65,761 total views

 65,761 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,419 total views

 40,419 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 51,003 total views

 51,003 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 59,220 total views

 59,220 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,453 total views

 43,453 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,429 total views

 49,429 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 52,522 total views

 52,522 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 42,227 total views

 42,227 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,115 total views

 43,115 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,418 total views

 58,418 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 70,827 total views

 70,827 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top