VeritasPH

The Word, The Truth

Panatilihin ang Alab sa Diyos

SHARE THE TRUTH

 319 total views

Tatlong taon bago nagsimula ang pandemya noong 2017, naanyayahan ako na pangunahan ang pananalangin sa “retirement ceremony” ng kaibigan na dati ring kasamahan sa trabaho.

Nakatutuwa pala na makita at makausap muli mga dating kasamahan maging mga naging “bossing” namin na dati’y aming iniilagan dahil baka kami masabon.  Ganoon pala ang magka-edad, ang pumalo sa 50 anyos pataas, pare-pareho kaming nakasalamin at malalabo mga mata, mapuputi ang mga buhok at bago kumain, umiinom ng iba’t ibang mga gamot.

At ang mga usapan, puro “noong araw”!

Kaya naman hindi maiwasan magkumparahan sa bagong henerasyon at isang nakatatanda na retiree dati naming boss ang nagsabi, “bakit kaya mga bata ngayon maski 40 anyos na, bata pa rin?” 

Napagnilay ako ng katanungang iyon at habang nagkakasiyahan kami sa mga alaala ng aming kabataan, naalala ko ang mga kuwentuhan namin noon kasi ay bihirang-bihira mapag-usapan ang Diyos at mga tungkol sa Kanya gaya ng pagsisimba at mga paksang espiritwal maliban lamang na ako ay kanilang tatanungin lalo na kapag nasa lamayan.

Kaya nawika ko sa aking sarili “marahil kaya bata pa rin mga bata ngayon maski 40 anyos na” dahil nagkulang kaming nakatatanda, ang mga magulang at mga lolo at lola ngayon sa pagdiriin ng pangangaral at pagsasabuhay ng pananampalataya.

Pansinin po natin si San Pablo paano niya itinuring sina San Timoteo at San Tito bilang kanyang mga anak habang ipinagdiinan ang kanilang pagkamulat sa pananampalataya:  “Hindi ko malilimutan ang tapat mong pananampalataya, katulad ng pananampalataya ng iyong Lola Loida at ni Eunice na iyong ina.  Natitiyak kong taglay mo pa ngayon ang pananampalatayang iyon. Dahil dito, ipinaalala ko sa iyo na maging masigasig ka sa pagtupad sa tungkuling tinanggap mo sa Diyos nang ipatong ko ang aking mga kamay sa ulo mo. Sapagkat hindi espiritu ng kaduwagan ang ibinigay sa atin ng Diyos kundi Espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at pagpipigil ng sarili” (1Tim.1:5-7).

Larawan kuha ni G. Jim Marpa, 2017.

Hindi ba nakakahiyang isipin na sa ngayon, ang mag-igib at maglinis ng bahay ay pawang mga “reality games” na lang sa telebisyon gayong ganito ang ating buhay noon?

Hindi ba nakakabahala na parang malaking balita ngayon yung makarinig ng mga tao na nagsusumakit sa pagsisikap na maging mabuti at marangal sa buhay at gawain?

Bakit mangha-mangha mga tao ngayon sa mga kuwento ng pagmamalasakitan ng pamilya at magkakaibigan gayong dapat naman ganoon talaga tayo sa buhay?

Hindi kaya masyadong na-spoil mga henerasyon ngayon, lahat ng kanilang hilig ay ibinigay ng mga magulang at lolo at lola di alintana masamang epekto sa gawi at pag-uugali ng mga bata?  At dahil nga “napanis” o na-spoil ang mga bata, pati ang disiplina ng buhay espiritwal gaya ng pagdarasal at pagsisimba ay napabayaan.

Opo, disiplina ang pagdarasal at pagsisimba. Kapag pinabayaan mga ito at nawala sa mga tao, wala na tayong igagalang na kapwa o lugar man lamang at pagkakataon dahil maski Diyos at simbahan hindi na kayang igalang pa.

Nananatili hanggang ngayon lalo sa ating nakatatanda at di lamang sa mga bata ang misyon ni Hesus kaya siya humirang pa ng pitumpu’t dalawang mga alagad na kanyang sinugo na mauna sa kanya (Luc.10:1-9).

Larawan kuha ni G. Jim Marpa, 2019.

Tayo ang mga iyon sa panahong ito, tayong mga nakatatanda na dapat puno ng alab para sa Panginoon at Kanyang mabuting balita na hatid sa lahat na sa panahong ito ay litong-lito maski na sagana sa mga bagay na materyal.

Tayo ang inaasahan ni Hesus na gagabay sa maraming naliligaw ng landas, lalo na mga kabataan na ibig siluin at lapain ng mga nagkalat na “asong-gubat” sa gitna ng saganang anihin.

Tayo ang mga makabagong San Timoteo at San Tito, dalawang banal na nagparubdob ng alab para sa Diyos sa pagpapahayag nila noon sa salita at gawa na “Nalalapit na ang paghahari ng Diyos sa inyo” (Luc. 10:9) dahil sila rin mismong dalawa ay naranasan ang sigasig sa pananampalataya ng kanilang mga magulang at ninuno noon.  Amen. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 16,100 total views

 16,100 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 24,145 total views

 24,145 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 29,225 total views

 29,225 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 34,931 total views

 34,931 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 43,719 total views

 43,719 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Travelling in Christ, with Christ

 306 total views

 306 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Fifteenth Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 14 July 2024 Amos 7:12-15 ><}}}*> Ephesians 1:3-24 ><}}}*> Mark 6:7-13 Photo by Jason Toevs on Pexels.com It is always easy to spot any flight back to Manila if you happen

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Words, words, words…

 997 total views

 997 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year II, 12 July 2024 Hosea 14:2-10 <*[[[[><< + >><]]]]*> Matthew 10:16-23 Photo by Skitterphoto on Pexels.com Thus says the Lord: Return, O Israel, to the Lord, your God; you

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Our hands, a gospel in themselves

 2,785 total views

 2,785 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Memorial of St. Benedict, Abbott, 11 July 2024 Hosea 11:1-4, 8-9 <*[[[[>< + ><]]]]*> Matthew 10:7-15 Jesus said to his Apostles: “As you go, make this proclamation: ‘The kingdom of heaven is at hand.’ Cure the

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

First we learn, then we are sent

 1,705 total views

 1,705 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year II, 10 July 2024 Hosea 10:1-3, 7-8, 12 <*((((>< + ><))))*> Matthew 10:1-7 Photo by shy sol on Pexels.com Jesus summoned his Twelve disciples and gave them authority over unclean spirits

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Abundant harvest?

 786 total views

 786 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year II, 09 July 2024 Hose 8:4-7, 11-13 ><))))*> + <*((((>< Matthew 9:32-38 Photo by Onnye on Pexels.com Then he said to his disciples, “The harvest is abundant but the

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Blessedness of desert

 1,035 total views

 1,035 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Monday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year II, 08 July 2024 Hosea 2:16,17-18, 21-22 <*((((><< + >><))))*> Matthew 9:18-26 Photo by Walid Ahmad on Pexels.com Thus says the Lord: I will allure her; I will lead

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Our blessed failures

 2,013 total views

 2,013 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Fourteenth Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 07 July 2024 Ezekiel 2:2-5 ><}}}}*> 2 Corinthians 12:7-10 ><}}}}*> Mark 6:1-6 Photo by Mr. Gelo Carpio, Bagbaguin, Sta. Maria, Bulacan, January 2020. Last week’s readings clarified with us the

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Praying to be prophetic

 1,724 total views

 1,724 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II First Friday in the Thirteenth Week of Ordinary Time, Year II, 05 July 2024 Amos 8:4-6, 9-12 <*((((><< + >><))))*> Matthew 9:9-13 Photo by Dra. Mylene A. Santos, MD in Infanta, Quezon 2020. Help us, loving Father

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

That crossing again…

 6,156 total views

 6,156 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday in the Thirteenth Week of Ordinary Time, Year II, 04 July 2024 Amos 7:10-17 <*((((><< + >><))))*> Matthew 9:1-8 Photo by Mr. Raffy Tima, GMA-7 News in Batanes, 2018. Oh how I love the gospel this

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

The gift of communion

 3,503 total views

 3,503 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday, Feast of St. Thomas, Apostle, 03 July 2024 Ephesians 2:19-22 <*{{{{>< + ><}}}}*> John 20:24-29 From the the Catholic Diocese of Little Rock, Arkansas, dolr.org. Praise and glory to You, God our Father for your gift

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

When God speaks

 3,779 total views

 3,779 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday in the Thirteenth Week of Ordinary Time, Year II, 02 July 2024 Amos 3:1-8, 4:11-12 <‘[[[[>< + ><]]]]’> Matthew 8:23-27 Photo by author in San Juan, La Union, 25 July 2023. Your words are weighty and

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

How to fail in marriage

 3,780 total views

 3,780 total views Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 01 July 2024 Image from http://www.oodegr.com. Many people today see marriage in the human level, downplaying or outrightly refusing its supernatural dimension being a gift and a grace from God. What is most funny with them is how they also insist on giving weddings some semblance

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Jesus crossed seas & streets to lead us to the side of life, again & again…

 4,527 total views

 4,527 total views The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thirteenth Sunday in Ordinary Time, Cycle B, 30 June 2024 Wisdom 1:13-15, 2:23-24 ><}}}}*> 2 Corinthians 8:7, 9, 13-15 ><}}}}*> Mark 5:21-43 August 20, 2021 frontpage photo of the Philippine Daily Inquirer at the height of COVID-19

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Gift of encouragement

 5,262 total views

 5,262 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday, Memorial of St. Irenaeus, Bishop & Martyr, 28 June 2024 2 Kings 25:1-12 <‘[[[[>< + ><]]]]’> Matthew 8:1-4 It is the end of another week of work and studies for most of us, God our loving

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Nicanor Lalog II

Finding God where we are, not where we would want to be

 5,261 total views

 5,261 total views The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Memorial of St. Cyril, Bishop & Doctor of the Church, 27 June 2024 2 Kings 24:8-17 <*((((><< + >><))))*> Matthew 7:21-29 Photo by Ms. Analyn Dela Torre, March 2024. God our loving Father, help us find

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top