Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 439 total views

Isa sa malalaking problema hindi lamang ng ating bansa, kundi ng buong mundo, ay ang kalusugan ng dagat. Sa pagdaan ng panahon, ang mga karagatan sa ating bansa ay unti unti na ring nagiging dumpsite. Kamakailan lamang, nabulaga tayo ng balita na may supot supot na medical wastes na tinapon sa tabi ng dagat sa Catanduanes. Isa lamang ito sa mga halimbawa ng mga basurang natatagpuan sa ating mga karagatan. Tinataya na sa buong mundo, humigit kumulang na 14 milyong tonelada ng plastic na basura ang napupunta sa karagatan kada taon.

Kung hindi natin mababago ang dami ng basura na ating tinatapon sa karagatan, tinatayang ti-triple pa ito pagdating ng 2040, at dodoble pagdating ng 2030. Ang mga basurang plastic, kapanalig, ay halos indestructible. Daang-taon ang aabutin bago sila mag-decompose. Ang mga plastic bottles, halimbawa, ay aabot ng 450 taon bago mabulok.

Dagdag pa tayo ng dagdag, kapanalig, ng mga basura sa karagatan. Marahil sasabihin natin, hindi naman tayo nagtatapon doon. Pero, malaki ang probabilidad na bawat plastic na tinapon natin kung saan-saan lang ay sa dagat din hahantong. Ni hindi na nga mataya ng mga siyentipiko kung gaano karami na ang basura sa karagatan. May mga estimates na umaabot na ito ng 150 million metric tons.

Dapat nang matigil, kapanalig, ang pagdami ng basura sa karagatan. Nilalason na nito ang buhay sa ilalim ng dagat, buhay na nagbibigay buhay din sa sangkatauhan. May mga eksperto na nagsasabi na kapag nagpatuloy ang pagdami ng basura sa karagatan. Pagdating ng 2050, mas marami pang basura kaysa isda.

Kapanalig, kailangan ng ating bansa ngayon ang mas maayos na management ng plastic pollution. Ang ating bansa ang isa sa buong mundo na mahilig sa mga single use plastics – mga tingi tinging produkto. Ang rason ng iba, ito lamang kasi ang kaya ng maralita. Kaya lamang, pagdating naman ng panahon, ang pangunahing maapektuhan ng mga sakunang dulot ng plastic pollution ay mga maralita din.

Dito hinahamon ang ating obligasyon para sa “stewardship of creation” o pangangasiwa ng lahat ng nilikha ng Panginoon. Taon-taon palpak tayo dito kapanalig, at habang hindi tayo nag-i-improve, nalulunod ang karagatan natin sa basura.  Ayon sa Populorum Progressio: The Bible, from the first page on, teaches us that the whole of creation is for humanity, that it is men and women’s responsibility to develop it by intelligent effort and by means of their labor to perfect it, so to speak, for their use.

Nasa kamay natin, kapanalig, ang kinabukasan ng karagatan. Nasa kamay natin ang kinabukasan ng ating bayan, na malaking porsyento ay nakasalalay sa yaman ng karagatan. Kung hindi natin aaksyunan ang basurang ating tinapon sa dagat, buhay din ang sisingilin ng mga buhay na ating nilason sa karagatan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 69,946 total views

 69,946 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 100,168 total views

 100,168 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 126,819 total views

 126,819 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 221,792 total views

 221,792 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 238,234 total views

 238,234 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 69,947 total views

 69,947 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 100,169 total views

 100,169 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 126,820 total views

 126,820 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 221,793 total views

 221,793 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top