Bishop Pabillo, nagpapasalamat sa humanitarian aid ng European Commission

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 680 total reads

Ikinagalak ni Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang pagkakaloob ng European Commission (EC) ng humanatarian aid sa Pilipinas at iba pang bansa sa Southeast Asia.

“Tayo po ay natutuwa sa hakbang ng European Commission na magbibigay sila ng Humanatarian Aid at ibang mga bansa na natatamaan ng kalamidad,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.

Ang humanitarian aid ng EC na aabot sa 21-Million Euros o 1.2-bilyong piso ay pangunahing ilalaan sa pagtulong sa mamayang nasalanta ng kalamidad, nakakaranas ng kahirapan ng dahil sa pag-iral ng sigalot higit na sa bahagi ng Mindanao at disaster preparedness.

Ipinagpapasalamat ng Obispo sa Diyos ang pagtulong ng EC sa mga vulnerable countries higit na sa mga nangangailangang mamamayan.

“This is something that is praise worthy na dapat magtulungan tayo at ang mga bansang mayroon tulad ng European Union ay makakatulong sa mga taong nasasalanta,” ayon pa kay Bishop Pabillo.

Ipinagdarasal ng Obispo na tiyakin ng European Commission na tunay na mapupunta ang tulong sa mga mamamayang labis na nangangailangan.

Ito ay higit na ngayong panahon ng eleksyon kung saan maaring magamit ang humanatarian aid sa mga anomalyang katulad ng korapsyon.

“Alam niyo malaki sana ang impact ng mga aid na ito sa pagtulong kung talagang natutulungan ay mga nangangailangan kaya ay siguraduhin lang ng European Union na ang aid nila ay talagang nakakapunta sa mga nangangailangan kaya sana hindi ma-corrupt ang kanilang tinutulong at hindi magamit sa eleksyon, ngayong dadating na eleksyon na siguraduhin sana nila na maayos ang tumatanggap nito at talagang nakakatulong sa nangangailangan,” pagbabahagi pa ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Ayon naman sa pag-uulat ni Janez Lenarčič, ang EC Commissioner for Crisis Management, ilalaan ang sampung milyong euro sa pagtulong sa mga nasalantang mamayan ng Bagyong Odette noong December 2021.

Isa punto limang milyong euro naman ang ilalaan sa pagtulong sa mga pinakanangangailangang komunidad sa bahagi ng Mindanao at ang nalalabing siyam punto limang euro ay para naman sa disaster preparedness response ng mga matutulungang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 249,231 total reads

 249,231 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 280,944 total reads

 280,944 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 382,770 total reads

 382,770 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 423,331 total reads

 423,331 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 433,390 total reads

 433,390 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 25,000 total reads

 25,000 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top