Sinong dehado sa pag-aangkat ng pagkain?

SHARE THE TRUTH

 1,179 total views

Mga Kapanalig, inihayag ni Department of Agriculture Secretary William Dar na kanyang pinahintulutan ang pag-angkat ng Pilipinas ng 60,000 metric tons na isda katulad ng galunggong at alumahan. Kailangan daw itong gawin upang punan ang inaasahang kakulangan sa lokal suplay sa unang tatlong buwan ng kasalukyang taon. Ayon sa kalihim, aabot sa halos apat na bilyong piso ang pinsalang naiwan sa sektor ng pangisdaan ng Bagyong Odette na nanalasa bago matapos ang 2021, at tiyak na maapektuhan nito ang suplay ng isda.

Noong nakaraang taon, umigting ang pag-aangkat natin ng bigas, karneng baboy, at iba pang produktong pang-agrikultura. Dahil sa pagkalat ng African swine fever (o ASF) sa Pilipinas simula noong 2019 na nagdulot ng kakulangan sa suplay ng karneng baboy, nag-angkat ang gobyerno ng 167,000 na tonelada noong 2020. Kasabay ng pagluluwag sa mga patakaran sa pag-angkat katulad ng pagtataas ng dami ng maaaring iangkat o ang tinatawag na minimum access volume, ibinaba rin ang taripa sa mga karneng galing sa ibang bansa; mula 30%, ibinaba ito sa hanggang 10%. Sa suplay naman ng bigas, matagal nang nag-aangkat ang Pilipinas at nahikayat pa lalo ito nang naipasa noong Pebrero 2019 ang Rice Tariffication Law. Sa taong 2021, ibinaba pa ng gobyerno ang taripa sa imported ng bigas mula 40% hanggang 35% sa layuning madagdagan ang suplay at mapababa o mapanatiling abot-kaya ang presyo ng bigas.

Bakit nga ba kailangan natin laging mag-angkat ng mga pangunahing produktong pang-agrikultural samantalang ang Pilipinas ay itinuturing na isang agrikultural na bansa sa dami ng ating yamang-lupa at yamang-dagat? Bukod sa pagtitiyak ng sapat na suplay, madalas ding idahilan ng mga opisyal ng gobyernong ang layunin ng pag-aangkat ay upang maibaba ang presyo ng mga bilihin. Ngunit ganoon nga ba ang nangyayari? Nakinabang ba talaga ang mga mamimili?

Sa totoo lang, ang mas nalulugi at kawawa sa pagdepende natin sa pag-aangkat ay ang mahihirap, lalo na ang mga magsasaka at mangingisdang pangunahing producers ng ating pagkain. Dahil sa dumarami ang suplay, hindi sila makabenta sa magandang presyo. Dehado pa sila dahil sila ay mga mamimili o consumers din. Kapag nagkukulang ang mga magsasaka at mangingisda sa kanilang pang-araw-araw na pagkain, wala silang magawa kundi ang bumili ng bigas o isda sa halagang mas mataas sa pagkakabenta nila ng kanilang ani at huli. Ang mas nakikinabang sa pag-import ay ang negosyanteng nakakapag-angkat ng mga produkto sa murang halaga dahil na rin sa mga pinababang taripa. Nagmamay-ari din sila ng mga pasilidad kung saan pansamantalang iniiimbak ang mga produktong kalaunan ay ibebenta nila nang mas mahal.

Sa kalendaryo ng Simbahang Katoliko ngayon, nasa panahon tayo kung saan ang mga pagbasa ay tungkol sa tinatawag na public ministry ni Hesus. Matutunghayan natin sa Lucas 4:18 na pormal Niyang sinimulan ang kanyang misyon nang pumunta Siya sa sinagoga kung saan kanyang ipinahayag: “Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, sapagkat hinirang Niya Ako upang ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita. Isinugo Niya Ako upang ipahayag sa mga bihag na sila ay lalaya, at sa mga bulag na sila ay makakakita. Isinugo Ako upang palayain ang mga inaapi.” Maliwanag sa pahayag na ito ni Hesus ang pagkiling ng ating Panginoon sa mga nasa laylayan ng lipunan, bagay na binibigyang-diin ng pag-ibig sa pagkiling sa mahihirap, isang prinsipyo ng Catholic social teaching.

Mga Kapanalig, ang kapakanan ng mahihirap din sana ang isinasaalang-alang ng ating mga lider sa paggawa nila ng kanilang mga desisyon, katulad ng pag-aangkat ng pagkain. Sa pagtukoy nila ng iba’t ibang solusyon sa kakulangan natin sa pagkain, pinag-aaralan din dapat ang magiging epekto ng mga ito, lalo na sa mga maliliit sa ating lipunan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 28,275 total views

 28,275 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 33,693 total views

 33,693 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 40,400 total views

 40,400 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 55,196 total views

 55,196 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 61,352 total views

 61,352 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 28,276 total views

 28,276 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 33,694 total views

 33,694 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 40,401 total views

 40,401 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 55,197 total views

 55,197 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 61,353 total views

 61,353 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,032 total views

 40,032 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 50,616 total views

 50,616 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 58,833 total views

 58,833 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,066 total views

 43,066 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,042 total views

 49,042 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 52,135 total views

 52,135 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 41,840 total views

 41,840 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 42,728 total views

 42,728 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,031 total views

 58,031 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 70,440 total views

 70,440 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top