Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tiyakin ang kaligtasan ng kabataan sa paggamit ng internet, apela ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 490 total views

Mahalaga ang pakikibahagi ng bawat isa at ibat-ibang sektor upang matiyak na ligtas ang mga kabataan sa kanilang paggamit ng internet.

Ito ang mensahe ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippine Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY) Chairman Daet Bishop Rex Andrew Alarcon sa nalalapit na paggunita sa February 08 ng ‘International Safer Internet day for Children’.

“Pangalagaan at tulungan natin ang ating mga kabataan. Marami sa kanila ang nahihirapan ngayon. Subalit sila (the children and youth) ang kinabukasan at ang kasalukuyan,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Obispo sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Bishop Alarcon, ang pagtutulungan ng bawat mamamayan upang matiyak na ligtas ang kabataan sa internet ay higit na kinakailangan sa makabagong panahon.

Ito ay dahil narin sa mga banta ng ibat-ibang uri ng pang-aabuso na maaring isagawa ng masasamang loob na ginagamit ang internet upang makapang-biktima.

“kailangan ang pagtutulungan upang labanan ang mga panganib at mga banta sa kapakanan ng mga kabataan at ikakapahamak nila– tulad ng online child abuse and child pornography, trafficking, addiction,at iba pa. Sa katunayan, hindi lamang ang mga kabataan ang naapektuhan nito, kundi ang lahat,” ani Bishop Alarcon.

Kinilala rin ng Obispo ang Inisyatibo ng Department of Welfare and Social Development (DSWD) at Department of Interior and Local Government (DILG) sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga Internet Service Providers at Local Government Units upang palawigin ang mga impormasyon at pag-aaral na maaring makatulong sa pangangalaga sa kapakanan ng mga kabataan.

Ito ay alinsunod sa saligang batas ng Pilipinas kung saan pinapangalagaan at kinikilala ang inisyatibong makakatulong sa development at pagiging bahagi ng mga kabataan sa lipunan.

“Nakabatay sa tungkulin ng Estado na pangalagaan at isulong ang kapakanan ng mga kabataan, i.e., ‘The State recognizes the vital role of the youth in nation building and shall promote and protect their physical, moral, spiritual, intellectual and social well-being.’ (Section 13, Article II, 1987, Philippine Constitution)

Tama at kailangan ang pagtutulungan ng mga sangay ng pamahalaan, tulad ng DILG, DSWD at mga lokal na pamahalaan upang sikaping mapangalagaan ang ating mga kabataan,” pagbibigay diin ng Obispo.

Ngayon taon ay ginugunita ng DILG at DSWD ang temang “Click, Respect, Connect – CRC Next Level: Ligtas na Ugnayan Online.” na magsusulong ng mga adbokasiya at wastong palalawigin ang mga paksang tumatalakay sa Safer Internet Day for Children.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 8,366 total views

 8,366 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 19,849 total views

 19,849 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 35,538 total views

 35,538 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 36,320 total views

 36,320 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 46,062 total views

 46,062 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top