Hamon sa mga mambababatas, ilabas ang katotohanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 388 total reads

Tungkulin ng mga mambabatas na ilabas ang katotohanan sa pagganap ng kanilang sinumpaang gawain na maglingkod para sa sambayanan.

Ito ang paalala ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity kaugnay sa House at Senate inquiry sa malalang problema ng Pilipinas sa ilegal na droga.

Iginiit ni Bishop Pabillo na dapat ang natatanging layunin ng mga mambabatas ay alamin ang katotohanan at hindi para pagtakpan o protektahan ang mga tunay na nagkasala na nagpapalaganap ng kaguluhan at hindi pagkakaunawaan sa bansa.

“Sana naman, talagang layunin ng mga mambabatas ay lumabas yung katotohanan at hindi upang takpan ang katotohanan. Sana itong mga pag-aaway nila ay makapag-promote ng tunay na paglabas ng katotohanan at sana hindi ito maging daan para protektahan ang ibang mga tao, ang ibang mga interes. Kailangan talaga ng taumbayan ang katotohanan para masugpo ang problema ng bansa…”pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas advocate.

Dinidinig sa kasalukuyan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang illegal drug trade sa New Bilibid Prison habang nagsasagawa rin ng pagdinig ang Senado sa nagaganap na Extra-judicial Killings sa war on drugs ng pamahalaan.

Samantala, ipinagmamalaki ng Philippine National Police (PNP) na bumaba sa 31-porsiyento ang krimen sa bansa ngunit mahigit sa 3-libong indibidwal na ang namamatay sa mas pinag-iting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Kaugnay nito, inihayag ni CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa isang kalatas na siya ay nahihiya, nababahala at nalulungkot sa patuloy na pagtaas ng kaso ng extra-judicial killings sa bansa.

Kasunod nito, hinimok ni Archbishop Villegas ang taumbayan na magdasal ng Santo Rosaryo at magsimba araw-araw para muling maghari ang pagpapahalaga sa sagradong buhay sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 24,760 total reads

 24,760 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 245,377 total reads

 245,377 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 280,050 total reads

 280,050 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 295,950 total reads

 295,950 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 330,713 total reads

 330,713 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 51,208 total reads

 51,208 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top