Pontificio Collegio Filipino, nagpaabot ng pagbati kay Apostolic Nuncio to Rwanda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 989 total reads

Nagpaabot nang pagbati at panalangin ang Pontificio Collegio Filipino sa Roma, Italya kay Archbishop Arnaldo Catalan bilang bagong Apostolic Nuncio sa Rwanda, Africa.

Ayon kay Fr. Gregory Gaston-rector ng collegio, kanilang ipinapanalangin ang kalakasan para sa bagong misyon ni Archbishop Catalan sa simbahan na maglilingkod bilang kinatawan ng Holy See sa isa sa mission church ng Vatican sa Africa.

‘Si Msgr. Catalan ay maa-assign sa Rwanda para mangasiwa sa mga katoliko doon, at political assignment o ang relationship ng Holy See at Rwanda, ang bilateral relations ng dalawang bansa. ‘ ayon kay Fr. Gaston.

Si Archbishop Catalan ay inordinahan at kinilala bilang titular archbishop ng Apolonia sa pagdiriwang na pinangunahan ni Prefect of the Evangelization of People’s Luis Antonio Cardinal Tagle, Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown na ginanap sa Manila Cathedral.

Ang Pontificio Collegio Filippino o kilala rin bilang Pontificio Collegio Seminario de Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje kung saan napabilang din si Archbishop Catalan noong 1995, bago mag-aral sa Pontifical Ecclesiastical Academy-ang natatanging paaralan para sa diplomatic service ng Vatican.

Sa kasalukuyan ay may dalawang Filipinong pari sa academia para sa diplomatic service ng Vatican.

‘Duon hinuhubog ang ating mga papal nuncio. Sa Philippines siya (Catalan) ang pang-lima. Ngayon may dalawang Filipino tayo doon, ipagdasal natin sila na maging ambassador din sila ng Santo Papa in the future,’ dagdag pa ni Fr. Gaston.

Bukod kay Archbishop Catalan, kabilang din sa mga Filipino nuncios sina Archbishop-emeritus Oswaldo Padilla, Archbishop Adolfo Yllana (Israel at Cyprus), Archbishop Francisco Padilla (Guatemala) at Archbishop Bernardito Auza- ang kasalukuyang nuncio sa Espanya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 114,820 total reads

 114,820 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 252,593 total reads

 252,593 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 368,368 total reads

 368,368 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 484,205 total reads

 484,205 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top