360 total views

6th Sunday of Ordinary Time Cycle C

Jer 17:5-8 1 Cor 15:12.16-20 Lk 6:17.20-26

Ang bawat tao ay nilikha ng Diyos upang lumigaya. Ang hangarin na ito ay nakatanim sa puso ng bawat isa. Kaya ang kaligayahan ay hinahanap-hanap natin. Gusto nating lumigaya. Pero ano ba ang kaligayahan? Saan ba natin ito matatagpuan? Ang lahat ng relihiyon ay tinatag upang matugunan ang mga tanong na ito.

Ang kaligayahan ay kaligayahan ng buong pagkatao natin. Hindi lang ito kaligayahan ng katawan na panandalian at pahapyaw lang. Dahil sa tayong tao ay nabubuhay na kasama ng iba – we are social beings, ang kaligayahan ay hindi lang pansarili. Ang tunay na kaligayahan ay kasama ang iba. Hindi man tayo maligaya na nag-iisa. Dahil ang tao ay nanggaling sa Diyos, hindi tayo magiging maligaya na hiwalay sa Diyos. Sa totoo lang, ang Diyos na manlilikha sa atin ang may alam kung ano ba ang tunay na kaligayahan natin bilang tao at kung paano natin ito maaabot.

Gusto ng Diyos na maging maligaya tayo. Hindi niya itinanim sa puso natin ang hangarin na maging maligaya upang masaktan lang tayo kasi hindi natin ito maaabot. Hindi niya tayo binigyan ng pagkauhaw na hindi naman mapapawi. Para sa ating mga Kristiyano, naniniwala tayo na pinadala ng Diyos ang kanyang anak upang ipakita niya sa atin ang landas patungo sa kaligayahan. Ang landas na magdadala sa kaligayahan ay ang landas patungo sa Diyos, sapagkat ang Diyos ang kaligayahan natin. Tulad ng sinulat na San Agustin, ang puso ng tao ay hindi mapapatahimik hanggang ito ay manahimik sa Diyos. Sinabi ni Jesus: “Humingi kayo, at kayo’y tatanggap upang malubos ang inyong kagalakan.” Ibig niya na makibahagi tayo at mapuspos tayo sa kagalakan mismo ni Jesus. He shares with us his joy.

Ang ating gospel ay tungkol sa kaligayahan. Sino ba ang mapalad, ang masuwerte, ang masaya? Nasanay tayo na maniwala na ang masaya ay ang mayaman, ay ang mga busog, ay ang mga nakatawa, ay ang mga hinahangaan at mga bantog. Kaya ang mga ito ang mga pinagsisikap-sikapan natin na kamtin. Pero sa paghahabol ng mga ito, para tayong naghahabol sa bula. Kapag nahawakan na natin, bigla na lang pumuputok at nawawala. Isa sa mga laro ng mga bata, at nilaro din natin ito, ay ang paggawa ng bula mula sa tubig na may sabon. Hinihipan natin ito at nakabubuo tayo ng mga bula na makukulay. Hinahabol-habol pa natin ang mga ito pero wala tayong nahahawakan kasi kapag dumapo sa ating kamay, bigla silang sumasabog at nawawala. Ganyan ang kayamanan, ang pagkabusog natin sa masasarap na bagay sa mundo, ang halakhakan natin, at pati na ang ating katanyagan. Madaling mawala at hindi naman natin matagal na nae-enjoy. Kaya sabi ni Jesus, sa aba ninyo, kawawa kayo kung iyan ang hinahanap-hanap ninyo. Sabi nga ni propeta Jeremias, para
lang silang mga tanim na nasa lupang tigang o lupa sa ilang. Sila ay madaling malanta. Nakikita natin ito ngayon sa mga artista o sa mga politiko na may hawak ng kapangyarihan. Kay dali mawala ang kanilang ganda, ang kanilang yaman, ang kanilang kapangyarihan, ang kanilang masasayang araw. Noon, si President Trump ay makapangyarihan at ang larawan niya ay palaging nasa TV. Ngayon sino ang pumapansin sa kanya? Hirap nga siyang panatilihin ang kayamanan niya at umiiwas-iwas na lang sa ikakaso sa kanya. Ganyan ang mga taong umaasa lang sa kanilang sariling kakayahan. Iyan din ang mangyayari sa mga politiko at mga show biz celebrities natin.

Sa halip na humanap ng kaligayahan, umasa tayo sa Diyos. Siya ang bukal ng kasiyahan. Kapag tayo ay nanalig sa kanya, tulad tayo ng isang puno na nakatanim sa tabi ng batis. Anumang tag-init na dumating, ang ugat natin ay hindi matutuyo. Kaya nga tinawag ni Jesus na mapalad o masuwerte ang mga umaasa sa Diyos. Kahit na sila ay tumatangis, kahit na sila ay nakararanas ng pagkagutom, o minamaliit at sinisiraan pa ng mga tao, nandiyan ang Diyos na magbibigay ng tunay na kaligayahan sa kanila. Kaya sa halip na maghanap tayo ng kayamanan, ng ikabubusog natin o ng kadakilaan at kapangyarihan, hanapin natin na tayo ay bukas sa Diyos at nananalig sa kanya. Siya ang magbibigay sa atin ng kaligayahan. Siya ang magpupuno sa ating likas na pagkauhaw sa kasiyahan – hindi lang sa langit, pati na rin dito sa lupa.

Totoong gusto ng Diyos na maging maligaya tayo sa langit kasama niya magpakailanman. Kaya sinulat si San Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Kung ang pag-asa natin kay Kristo ay para sa buhay na ito lamang, tayo na ang pinakakawawa sa lahat ng tao.” Hindi tayo nagpapagal at tumatanggi ng mga kaaya-ayang mga makamundong bagay para lang sa mundong ito. May isang mundo pa tayong inaasahan, isang mundo na permanente kung saan ang kaligayahan natin ay mananatili. Kaya dalas-dalasan nating ituon ang ating paningin sa langit kung saan nakaluklok si Jesus at kung saan din tayo pupunta.

Although makalangit tayo, dito pa man sa lupa gusto na ng Diyos na maging maligaya tayo. Dito man sa lupa nagsisimula nang magkaroon tayo ng mahigpit na kaugnayan sa Diyos. Kaya dito ay nakatanim na tayo sa tabi ng batis ng Diyos. Sumasalok na tayo sa grasya ng Diyos. Nasaan iyong grasya ng Diyos – ang bukal ng ating kaligayahan? Nasa Salita ng Diyos, nasa mga sakramento ng kumpisal at ng Banal na Komunyon, nasa pakikiisa natin sa paglalakbay sa simbahan, nasa pagtulong natin sa mga nangangailangan. Ang mga ito ay magsusupply sa atin ng liwanag at sigla na maging masaya. Ang Salita ng Diyos sa Banal na Bibliya ang mapa natin para sa kaligayahan. Basahin natin at sundin ang mapang ito. Ang mga sakramento ay ang ating pakikipagtagpo kay Kristo ngayon. Ang dalawang madalas na mga sakramento na natatanggap natin ay ang kumpisal at Banal na Komunyon. Tanggapin natin ang mga ito. Ang simbahan ay ang bayan ng Diyos na naglalakbay patungo sa paghahari ng Diyos. Makisabay tayo sa paglalakbay na ito. Ito iyong synodal
Church – sama-sama sa daan. Ang mga mahihirap ang nag-aakay sa atin sa Diyos. Sa pagtanggap natin sa kanila, si Jesus ang tinatanggap natin. Tingnan natin sila na si Jesus na lumalapit sa atin at umaalok sa atin na maging mapagmahal.

Kung hahanapin natin ang kaligayahan, hindi natin ito matatagpuan. Tulad ito ng anino. Hindi mo ito mahahawakan. Pero kung lalakad tayo tungo sa liwanag, susunod-sunod sa atin ang ating anino at hindi aalis sa atin. Gusto nating lumigaya? Manalig tayo sa Diyos. Itanim natin ang ating sarili sa batis ng kanyang Salita, ng mga sakramento, ng simbahan at ng mahihirap, at dito pa lang sa lupa matatagpuan at sasamahan na tayo ng kaligayahang patungong langit.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 37,340 total views

 37,340 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 42,758 total views

 42,758 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 49,465 total views

 49,465 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 64,259 total views

 64,259 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 70,415 total views

 70,415 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 3,078 total views

 3,078 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 8,397 total views

 8,397 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 10,555 total views

 10,555 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 12,713 total views

 12,713 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 13,063 total views

 13,063 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 26,533 total views

 26,533 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 26,962 total views

 26,962 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 31,006 total views

 31,006 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 33,762 total views

 33,762 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 19, 2024

 33,762 total views

 33,762 total views First Things First | February 19, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 18, 2024

 33,744 total views

 33,744 total views First Things First | February 18, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 18, 2024

 37,245 total views

 37,245 total views Homily February 18, 2024 1st Week of Lent Gen 9:8-15 1 Pet 3:18-22 Mk 1:12-15 Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapahalaga ng ating binyag. Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanan ng binyag ay ating isinasabuhay sa bawat sandali ng ating buhay. Dahil sa binyag, nagkaroon tayo ng bagong buhay. Nakiisa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 17, 2024

 33,743 total views

 33,743 total views First Things First | February 17, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 16, 2024

 33,738 total views

 33,738 total views First Things First | February 16, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 15, 2024

 33,738 total views

 33,738 total views First Things First | February 15, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top