Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 942 total views

Homiliya para sa Pang-anim na Linggo sa Karaniwang Panahon, Ika-13 ng Pebrero 2022, Lk 6:17,20-26

Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. May pagka-narcissist, ika nga sa psychology.

Minsan isang gabi, nanaginip siya. Naglalakad daw siya sa mga ulap hanggang nakakita siya ng isang malaking salamin. Dahil mahilig siyang tumingin sa itsura niya, excited siyang lumapit at tumingin sa sarili. Laking gulat niya sa nakita niya. Pangit siya. Payat na payat na parang buto’t balat. Maputlang-maputla, matamlay, parang malnourished, luwa ang mata at wala nang ngipin.

Gumalaw-galaw siya para tiyakin kung sarili nga ba niya ang nakikita sa salamin, dahil ibang-iba na nga ang itsura. Siya nga. Pero kapag tumingin siya sa sariling katawan niya, parang katulad pa rin naman siya ng dati—makinis ang kutis, matipuno, malakas, malusog, dahil sagana sa pagkain at mahilig magwork-out. Pero pagtingin sa salamin—mukha nga siyang gusgusin na parang taong-grasa sa kalsada.

Nagdasal daw siya sa Diyos. Sinabi niya, “Lord, pinakikita mo ba sa akin ang kahihinatnan ko sa kabilang buhay? Ibig bang sabihin nito impyerno ang patutunguhan ko pagkamatay ko? Ganyan ba ang magiging itsura ko doon?”

Sumagot naman daw ang Diyos sa kanya at ang sabi’y, “Hindi, anak. Ikaw iyan ngayon. Ang nakikita mo sa salamin ay hindi ang iyong hinaharap kundi ang iyong kasalukuyang buhay. Kaya lang, ibang klaseng salamin iyang nasa harapan mo. Iyan ang salamin ng langit. Ang mga salamin kasi ninyo sa lupa walang ipinakikita kundi panlabas na itsura lamang ninyo. Ang salamin ng langit iba ang ipinakikita—iyung tunay na mahalaga sa pagkatao ninyo. At ito ay ang nasa kalooban ninyo. Kaya ang nakikita mo ay ang kasalukuyang itsura ng iyong kaluluwa.”

Sabi pa daw ng Diyos, “Dahil mahal kita, anak, naaawa ako sa iyo, nalulungkot ako sa ginagawa mo sa sarili mo. Sa katawan ka lang maganda, malusog at masigla. Sa metryal ka lang sagana. Pero ang kaluluwa mo ay maysakit, mahinang-mahina, namamatay na sa gutom at uhaw, nag-aagaw-buhay. Kaya ko nga ipinakikita sa iyo dahil buhay ka pa. Kaya mo pang magbago, kung babaguhin mo ang pangit na pag-uugali mo. Alam kong alam mo ang lahat ng paraan sa mundo para mapalakas ang katawan at kalusugan mo, mapaganda ang katawan mo, ang mukha mo, ang image mo. Pero hangga’t sarili mo lang ang kaya mong alagaan, pinahihina mo ang kaluluwa mo.”

Naiyak daw siya at nagmakaawa, “Lord, kahit ano po gagawin ko para bumalik sa sigla ang kaluluwa ko. Ano po ba ang dapat kong baguhin sa ugali ko para gumanda rin ang kalooban ko?” Sumagot ang Panginoon at ang sabi niya, “Sa bawat kapwa-tao na pagmalasakitan mo, sa bawat nagugutom na painumin mo, sa bawat nauuhaw na painumin mo, sa bawat nalulungkot na aliwin mo, sa bawat maysakit na kalingain mo, sa bawat api na ipagtanggol mo, magbabago ang kalooban mo. Lulusog ang kaluluwa mo. Gaganda ang pagkatao mo.”

“Hindi mabubuo ang pagkatao mo kung makasarili ka. Sa pakikipagkapwa—mas lalo kang magiging malakas at masigla. Hindi gaganda ang pagkatao mo kung hindi ka matutong magmahal na totoo, magparaya, magkaroon ng layunin na higit pa sa sarili mo. Gawin mo lahat ng ito at makikita mo, sa salamin ng langit ikaw ay magiging pabata nang pabata hanggang sa maging mistulang sanggol upang maghanda na maisilang kang muli sa kabilang buhay.”

Ang punto ng kuwento, ang kabilang-buhay na hinahangad natin ay nagsisimula na dito sa mundo, kung matuto lang tayong tumingin kahit paminsan-minsan lang, sa salamin ng langit. Parang ganito rin ang punto ni Hesus sa narinig nating pangaral niya sa ebanghelyo ni San Lukas, tungkol mga tunay na mapalad at sawimpalad dito sa mundo.

Hindi naman hangad ni Hesus na i-romanticize ang karukhaan, ang gutom, pagtangis at pagiging kawawa. At hindi rin niya sinasabi na masama ang mabuhay na maginhawa, busog, masaya at hinahangaan. Nagiging parang sumpa lamang ang ating mga makamundong pagpapala kapag nabulag tayo ng mga ito at hindi na natin makita ang tunay na anyo ng ating kaluluwa sa salamin ng langit. Akala natin mapalad tayo; sawimpalad pala.

May isinulat si San Juan sa Book of Revelations (Pahayag), na parang ganito rin ang sinasabi. Inilaan ng apostol ang unang tatlong chapters ng Book of Revelation sa kanyang pitong sulat sa pitong simbahan ng Asya tungkol sa mga visions o pangitain na nakita niya sa salamin ng langit. May sulat para sa Ephesus, Smyrna, Pergamum, Thyatira, Sardis, Philadelphia at Laodicea. Sa pinakahuling sulat niya sa bayan ng Diyos sa Laodicea, ganito ang sabi niya sa Rev. 3:17-20,

“Sinasabi ninyo, ‘Mayaman na kami, sagana na sa lahat ng bagay at wala nang ibang pangangailangan.’ Ngunit hindi ninyo nalalaman na sa totoo lang, kayo’y dukha ng tanang dukha, kaawa-awa, kahabag-habag, bulag sa katotohanan at hubad sa paningin ng Dios. Kaya pinapayuhan ko kayo, sa akin kayo humiling ng ginto na dinalisay sa apoy upang maging totoong mayaman kayo… Bumili rin kayo sa akin… ng gamot sa mata upang makita ninyo ang katotohanan. Ang lahat ng minamahal ko ay tinutuwid ko at sinasaway. Kaya magsisi kayo at ituwid ang ugali ninyo. Narito ako sa labas ng pintuan ninyo at kumakatok. Kung may makarinig sa akin at pagbuksan ako ng pinto, tutuloy ako, at makakasalo niya ako sa hapag-kainan.”

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 10,011 total views

 10,011 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 18,721 total views

 18,721 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 27,480 total views

 27,480 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Culture Of Waste

 35,873 total views

 35,873 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 43,890 total views

 43,890 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 9,377 total views

 9,377 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 11,507 total views

 11,507 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 11,507 total views

 11,507 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 11,508 total views

 11,508 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 11,504 total views

 11,504 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 12,377 total views

 12,377 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 14,578 total views

 14,578 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 14,611 total views

 14,611 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 15,965 total views

 15,965 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 17,061 total views

 17,061 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 21,267 total views

 21,267 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 16,985 total views

 16,985 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 18,355 total views

 18,355 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 18,617 total views

 18,617 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 27,310 total views

 27,310 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top