Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 516 total views

6th Sunday of Ordinary Time Cycle C

Jer 17:5-8 1 Cor 15:12.16-20 Lk 6:17.20-26

Ang bawat tao ay nilikha ng Diyos upang lumigaya. Ang hangarin na ito ay nakatanim sa puso ng bawat isa. Kaya ang kaligayahan ay hinahanap-hanap natin. Gusto nating lumigaya. Pero ano ba ang kaligayahan? Saan ba natin ito matatagpuan? Ang lahat ng relihiyon ay tinatag upang matugunan ang mga tanong na ito.

Ang kaligayahan ay kaligayahan ng buong pagkatao natin. Hindi lang ito kaligayahan ng katawan na panandalian at pahapyaw lang. Dahil sa tayong tao ay nabubuhay na kasama ng iba – we are social beings, ang kaligayahan ay hindi lang pansarili. Ang tunay na kaligayahan ay kasama ang iba. Hindi man tayo maligaya na nag-iisa. Dahil ang tao ay nanggaling sa Diyos, hindi tayo magiging maligaya na hiwalay sa Diyos. Sa totoo lang, ang Diyos na manlilikha sa atin ang may alam kung ano ba ang tunay na kaligayahan natin bilang tao at kung paano natin ito maaabot.

Gusto ng Diyos na maging maligaya tayo. Hindi niya itinanim sa puso natin ang hangarin na maging maligaya upang masaktan lang tayo kasi hindi natin ito maaabot. Hindi niya tayo binigyan ng pagkauhaw na hindi naman mapapawi. Para sa ating mga Kristiyano, naniniwala tayo na pinadala ng Diyos ang kanyang anak upang ipakita niya sa atin ang landas patungo sa kaligayahan. Ang landas na magdadala sa kaligayahan ay ang landas patungo sa Diyos, sapagkat ang Diyos ang kaligayahan natin. Tulad ng sinulat na San Agustin, ang puso ng tao ay hindi mapapatahimik hanggang ito ay manahimik sa Diyos. Sinabi ni Jesus: “Humingi kayo, at kayo’y tatanggap upang malubos ang inyong kagalakan.” Ibig niya na makibahagi tayo at mapuspos tayo sa kagalakan mismo ni Jesus. He shares with us his joy.

Ang ating gospel ay tungkol sa kaligayahan. Sino ba ang mapalad, ang masuwerte, ang masaya? Nasanay tayo na maniwala na ang masaya ay ang mayaman, ay ang mga busog, ay ang mga nakatawa, ay ang mga hinahangaan at mga bantog. Kaya ang mga ito ang mga pinagsisikap-sikapan natin na kamtin. Pero sa paghahabol ng mga ito, para tayong naghahabol sa bula. Kapag nahawakan na natin, bigla na lang pumuputok at nawawala. Isa sa mga laro ng mga bata, at nilaro din natin ito, ay ang paggawa ng bula mula sa tubig na may sabon. Hinihipan natin ito at nakabubuo tayo ng mga bula na makukulay. Hinahabol-habol pa natin ang mga ito pero wala tayong nahahawakan kasi kapag dumapo sa ating kamay, bigla silang sumasabog at nawawala. Ganyan ang kayamanan, ang pagkabusog natin sa masasarap na bagay sa mundo, ang halakhakan natin, at pati na ang ating katanyagan. Madaling mawala at hindi naman natin matagal na nae-enjoy. Kaya sabi ni Jesus, sa aba ninyo, kawawa kayo kung iyan ang hinahanap-hanap ninyo. Sabi nga ni propeta Jeremias, para
lang silang mga tanim na nasa lupang tigang o lupa sa ilang. Sila ay madaling malanta. Nakikita natin ito ngayon sa mga artista o sa mga politiko na may hawak ng kapangyarihan. Kay dali mawala ang kanilang ganda, ang kanilang yaman, ang kanilang kapangyarihan, ang kanilang masasayang araw. Noon, si President Trump ay makapangyarihan at ang larawan niya ay palaging nasa TV. Ngayon sino ang pumapansin sa kanya? Hirap nga siyang panatilihin ang kayamanan niya at umiiwas-iwas na lang sa ikakaso sa kanya. Ganyan ang mga taong umaasa lang sa kanilang sariling kakayahan. Iyan din ang mangyayari sa mga politiko at mga show biz celebrities natin.

Sa halip na humanap ng kaligayahan, umasa tayo sa Diyos. Siya ang bukal ng kasiyahan. Kapag tayo ay nanalig sa kanya, tulad tayo ng isang puno na nakatanim sa tabi ng batis. Anumang tag-init na dumating, ang ugat natin ay hindi matutuyo. Kaya nga tinawag ni Jesus na mapalad o masuwerte ang mga umaasa sa Diyos. Kahit na sila ay tumatangis, kahit na sila ay nakararanas ng pagkagutom, o minamaliit at sinisiraan pa ng mga tao, nandiyan ang Diyos na magbibigay ng tunay na kaligayahan sa kanila. Kaya sa halip na maghanap tayo ng kayamanan, ng ikabubusog natin o ng kadakilaan at kapangyarihan, hanapin natin na tayo ay bukas sa Diyos at nananalig sa kanya. Siya ang magbibigay sa atin ng kaligayahan. Siya ang magpupuno sa ating likas na pagkauhaw sa kasiyahan – hindi lang sa langit, pati na rin dito sa lupa.

Totoong gusto ng Diyos na maging maligaya tayo sa langit kasama niya magpakailanman. Kaya sinulat si San Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Kung ang pag-asa natin kay Kristo ay para sa buhay na ito lamang, tayo na ang pinakakawawa sa lahat ng tao.” Hindi tayo nagpapagal at tumatanggi ng mga kaaya-ayang mga makamundong bagay para lang sa mundong ito. May isang mundo pa tayong inaasahan, isang mundo na permanente kung saan ang kaligayahan natin ay mananatili. Kaya dalas-dalasan nating ituon ang ating paningin sa langit kung saan nakaluklok si Jesus at kung saan din tayo pupunta.

Although makalangit tayo, dito pa man sa lupa gusto na ng Diyos na maging maligaya tayo. Dito man sa lupa nagsisimula nang magkaroon tayo ng mahigpit na kaugnayan sa Diyos. Kaya dito ay nakatanim na tayo sa tabi ng batis ng Diyos. Sumasalok na tayo sa grasya ng Diyos. Nasaan iyong grasya ng Diyos – ang bukal ng ating kaligayahan? Nasa Salita ng Diyos, nasa mga sakramento ng kumpisal at ng Banal na Komunyon, nasa pakikiisa natin sa paglalakbay sa simbahan, nasa pagtulong natin sa mga nangangailangan. Ang mga ito ay magsusupply sa atin ng liwanag at sigla na maging masaya. Ang Salita ng Diyos sa Banal na Bibliya ang mapa natin para sa kaligayahan. Basahin natin at sundin ang mapang ito. Ang mga sakramento ay ang ating pakikipagtagpo kay Kristo ngayon. Ang dalawang madalas na mga sakramento na natatanggap natin ay ang kumpisal at Banal na Komunyon. Tanggapin natin ang mga ito. Ang simbahan ay ang bayan ng Diyos na naglalakbay patungo sa paghahari ng Diyos. Makisabay tayo sa paglalakbay na ito. Ito iyong synodal
Church – sama-sama sa daan. Ang mga mahihirap ang nag-aakay sa atin sa Diyos. Sa pagtanggap natin sa kanila, si Jesus ang tinatanggap natin. Tingnan natin sila na si Jesus na lumalapit sa atin at umaalok sa atin na maging mapagmahal.

Kung hahanapin natin ang kaligayahan, hindi natin ito matatagpuan. Tulad ito ng anino. Hindi mo ito mahahawakan. Pero kung lalakad tayo tungo sa liwanag, susunod-sunod sa atin ang ating anino at hindi aalis sa atin. Gusto nating lumigaya? Manalig tayo sa Diyos. Itanim natin ang ating sarili sa batis ng kanyang Salita, ng mga sakramento, ng simbahan at ng mahihirap, at dito pa lang sa lupa matatagpuan at sasamahan na tayo ng kaligayahang patungong langit.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,191 total views

 44,191 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 81,672 total views

 81,672 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 113,667 total views

 113,667 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 158,400 total views

 158,400 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,346 total views

 181,346 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 8,482 total views

 8,482 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 19,009 total views

 19,009 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Homily November 9, 2025

 636 total views

 636 total views Feast of the Dedication of the Lateran Basilica Ez 47:1-2.8-9.12 1 Cor 3:9-11.16-17 Jn 2:13-22 Ang ibig sabihin ng salitang Cathedra ay Luklukan.

Read More »

Homily November 2, 2025

 10,407 total views

 10,407 total views Commemoration of all the Faithful Departed 2 Mac 12:43-46 Rom 8:31-35.37-39 Jn 14:1-6 Binabanggit po natin sa ating panalangin: “Sumasampalataya ako sa muling

Read More »

Homily October 26, 2025

 8,453 total views

 8,453 total views 30th Sunday of the Year Cycle C Prison Awareness Sunday Sir 35.12-14,16-18 2 Tim 4:6-8.15-18 Lk 18:9-14 Ngayon Linggo po sa buong bansa

Read More »

Homily October 19 2025

 10,770 total views

 10,770 total views 29th Sunday in Ordinary Time Cycle C World Mission Sunday Sunday of Culture Ex 17:8-13 2 Tim 3:14-4:2 Lk 18:1-8 Nagdarasal ka ba?

Read More »

Homily October 12, 2025

 17,209 total views

 17,209 total views 28th Sunday of Ordinary Time Cycle C Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day 2 Kgs 5:14-17 2 Tim 2:8-13 Lk 17:11-19 May pananalig

Read More »

Homily October 5, 2025

 19,331 total views

 19,331 total views 27th Sunday in Ordinary Time Cycle C Hab 1:2-3;2:2-4 2 Tim 1:6-8.13-14 Lk 17:5-10 Ang daing ni propeta Habakuk sa ating unang pagbasa

Read More »

Homily September 28, 2025

 17,543 total views

 17,543 total views 26th Sunday of Ordinary Time Cycle C National Seafarer’s Sunday Migrant’s Sunday Am 6:1.4-7 1 Tim 6:11-16 Lk 16:19-31 Maraming mga tao ang

Read More »

Homily September 21, 2025

 19,692 total views

 19,692 total views 25th Sunday of Ordinary Time Cycle C Am 8:4-7 1 Tim 2:1-8 Lk 16:1-13 Kapag binubuksan natin ang ating TV o ang ating

Read More »

Homily September 14, 2025

 21,214 total views

 21,214 total views Feast of the Exaltation of the Cross National Catechetical Day Num 21:4-9 Phil 2:6-11 Jn 3:13-17 Maraming kababalaghan at mga dakilang bagay na

Read More »
Scroll to Top