Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,818 total views

Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang tinatawag na “cancel culture”?

Ang cancel culture ay tumutukoy sa pagpuna sa mga prominenteng personalidad—katulad ng mga artista at sikat na public figures—na nagbibitiw ng mga salita o gumagawa ng mga bagay na nakasasakit o nakagagalit. At bilang parang ganti, kina-cancel sila ng publiko. Hinihikayat nila ang pagbawi ng mga tagahanga ng kanilang suporta sa nasabing mga personalidad o kaya naman ay pag-boycott sa kanilang mga iniiendorso o palabas, hanggang sa mabawasan at manamlay ang kanilang kasikatan. Ang pag-cancel ay itinuturing na pagpapanagot sa mga taong hindi ginagamit sa tama o positibong paraan ang kanilang impluwensya. Isa raw itong hakbang tungo sa sama-samang paghingi ng katarungan para sa mga tao at pamayanang nasasaktan o napapahamak ng mga salita at gawa ng mga kina-cancel.

Nitong mga nakalipas na araw, may ilang sikat na personalidad ang pinukol ng mga tawag na i-cancel dahil sa kanilang pagsuporta sa mga kandidatong nasangkot sa katiwalian at pagnanakaw, sumusuporta sa mga hindi makataong patakaran, o lantarang binabaluktot ang katotohanan at kasaysayan. At gaya ng inaasahan, naging mainit na usapan ito, lalo na sa social media. Iginigiit ng mga pumupunang netizens na ang pagpanig sa kandidatong ilang beses nang nagsisinungaling, hindi nagbayad ng tamang buwis, at binabalewala ang mga biktima ng diktadura ay pagtataksil sa publikong nagpapasikat sa mga prominenteng personalidad. Ipinagtanggol naman ang mga ipinapa-cancel ng mga tagasuporta ng mga kandidatong kanilang inendorso; bakit hindi na lang daw igalang ang karapatan at kalayaan ng mga artistang piliin ang mga gusto nilang kandidato.

Hindi natin alam kung gaano kaepektibo ang pagka-cancel upang maitama ang maling ginawa ng mga kina-cancel ng publiko. Maaaring mabawasan sila ng mga tagahanga o mabahiran ang kanilang kasikatan, ngunit maaari din namang makakuha sila ng simpatya mula sa iba. Hindi rin natin alam kung tunay nga bang napapangalagaan ng ganitong pamamaraan ng pagpapanagot ang mga pinapahalagahan natin bilang isang bayan katulad ng pagkilala sa katotohanan at pagkakaroon ng matuwid na pamamahala. Maaaring makapagpalakas ng loob sa publiko ang ganitong pagpuna sa mga maimpluwensya, ngunit hindi malayong kalaunan ay maglaho ang interes ng tao sa mga malalaking isyu at babalik din tayo sa dati.

Sa tulong ng teknolohiya, tunay na napakadali na ngayong magbahagi ng ating mga ideya, opinyon, at kuru-kuro sa halos lahat ng bagay—mula sa mga seryosong isyu sa lipunan hanggang sa mga ordinaryong pangyayari sa ating paligid. Masasabi rin nating pinabilis ng teknolohiya ang pag-usbong ng cancel culture. Ngunit ipinapaalala ni Pope Francis na kailangang maging maingat na ang pakikilahok sa cancel culture ay hindi mauwi sa pagbura sa pagkakakilanlan o identity ng bawat isa sa atin. Nababahala siyang ang ganitong kultura ay mauwi sa pagpapatahimik sa ating kapwa at pagsasara sa pagkakataong unawain ang isa’t isa. Hindi niya sinasabing huwag nating punahin at huwag tulungang maliwanagan ang mga kumikiling sa mga mali at nakasasakit na salita at gawain ng iba. Kung uunawain natin ang kanyang paalala sa tema ng kanyang pagpapastol sa ating Simbahan, ang isinusulong ng Santo Papa ay ang isang kulturang marunong makinig at kumilatis ngunit nag-iiwan ng puwang upang magkasundong ituwid ang dapat ituwid at itama ang dapat itama.

Mga Kapanalig, wika nga sa Efeso 5:11-13, “Huwag kayong makibahagi sa mga gawain ng kadiliman na walang ibinubungang mabuti. Sa halip ay ibunyag ninyo ang mga iyon.” Itama natin ang mali at ipagtanggol ang katarungan sa ating bayan, ngunit huwag nating hayaang iwan tayo nitong mabilis na humusga at magtanim ng sama ng loob sa ating kapwa. Palaganapin natin ang kulturang ang tunay na kinakansela ay ang kasinungalingan, kasamaan, at kawalang katarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 31,286 total views

 31,286 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 54,438 total views

 54,438 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 124,552 total views

 124,552 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 199,166 total views

 199,166 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 276,926 total views

 276,926 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG SIMBAHAN

 31,287 total views

 31,287 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 54,439 total views

 54,439 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 124,553 total views

 124,553 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 199,167 total views

 199,167 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »
Scroll to Top