Mining moratorium, ipapatupad ni Ka Leody

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,646 total reads

Layunin ni Presidential candidate Leodegario “Ka Leody” de Guzman na pigilan ang industriya ng pagmimina sa bansa kapag nanalo bilang pangulo sa nalalapit na Halalan 2022.

Sa isinagawang Catholic E-Forum sa Radio Veritas, sinabi ni de Guzman na dapat na muling ipatupad ang mining moratorium kung saan ipinagbabawal ang pagsasagawa ng pagmimina sa bansa.

Iminungkahi rin ng kandidato na bawiin at muling pag-aralan ang Mining Act of 1995 upang umangkop sa kasalukuyang kalagayan ng bansa at hinaharap na suliranin ng kalikasan.

“Ibalik natin ‘yung moratorium sa kagyat at ‘yung mga open-pit mining ipatigil natin ‘yan; at reviewhin talaga hanggang sa pagpapa-repeal nung Mining Act of 1995,” pahayag ni de Guzman.

Maliban sa pangambang maidudulot ng pagmimina sa likas na yaman ng bansa, bibigyang-pansin din ni de Guzman ang kalagayan ng mga katutubong lubos na apektado ng pinsalang idinudulot ng iba’t ibang proyekto para sa pag-unlad ng ekonomiya.

Sinabi ni de Gu8zman na sa kanyang pamahalaan, mas bibigyang boses ang mga katutubo at magpapatupad ng mga polisiya upang pagtibayin ang kanilang karapatan laban sa mga makapangyarihang kumpanya.

“Kailangang suportahan at kilalanin ‘yung kanilang integridad, ‘yung sarili nilang kultura at pagbuhay ng ekonomiya. Suportahan natin ‘yun at pagyabungin para proteksyonan ‘yung ating mga katutubo,” giit ni de Guzman.

Samantala, pabor din ang presidential candidate na suportahan ang pagsusulong para sa “renewable energy” upang magkaroon ng malinis na mapagkukunan ng enerhiya ang bansa sa halip na patuloy na mamuhunan sa coal-fired power plant.

Si de Guzman ang unang humarap sa one-on-one interview sa Catholic E-Forum na bahagi ng voters education campaign ng Radio Veritas at Archdiocese of Manila na ‘One Godly Vote’ bilang paghahanda sa nalalapit na 2022 national at local elections.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 29,623 total reads

 29,623 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 134,899 total reads

 134,899 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 221,009 total reads

 221,009 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 291,142 total reads

 291,142 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 323,419 total reads

 323,419 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 162,321 total reads

 162,321 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top