Labor first policy, pangunahing adhikain ni Presidential candidate de Guzman

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,121 total reads

Labor first policy o pagpapaunlad sa mga manggagawa ang pangunahing adhikain ni presidential aspirant Leodegario ‘Ka Leody’ De Guzman sakaling mahalal bilang Pangulo ng bansa sa nalalapit na halalan sa May 9.

Ipinaliwanag ni de Guzman “Ang Labor First Policy” ay para sa lahat ng mga Filipino na obligadong magtrabaho para mabuhay,’ ayon kay De Guzman.

Si De Guzman o kilala bilang ‘Ka Leody’ ang unang humarap sa bayan sa isinagawang Catholic E-Forum na bahagi ng ‘One Godly Vote’ election campaign ng Radio Veritas at Archdiocese of Manila.

Ayon kay De Guzman, layunin ng kaniyang pamahalaan ang bigyang pagpapahalaga ang mga manggagawa na bumubuo sa 90 porsiyento ng ekonomiya ng bansa, mula sa mapagsamantalang kapitalista.

‘Kasalanan ng gobyerno dahil mas pabor na pabor sa big business. May ngipin sya (pamahalaan) laban sa mga manggagawa, pero wala siyang ngipin para bawasan ang pagkagahaman ng malalaking negosyante dito sa ating bansa,” ayon kay De Guzman.

Sinabi ni De Guzman na kinakailangan ng bansa na ituon ang serbisyo sa publiko at buwagin ang monopolyo na nagpapahirap sa mga manggagawa.

Tiniyak din ni De Guzman ang pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka at ang pagkakaroon ng ‘Food sovereignty’ sa pamamagitan ng pagtatanggal ng rice tariffication law.

Hindi rin sang-ayon si De Guzman sa muling pagsasabatas ng parusang bitay sa Pilipinas.

Naniwala si De Guzman na may kinalaman ang droga at krimen sa kahirapan ng taong bayan na mas dapat bigyan ng tugon ng pamahalaan.

‘Siguro klaro na yan sa ginawang war on drugs na ginawa ni Pangulong Duterte. Kill, kill, kill yung kaniyang patakaran. Umabot na ng 30 thousand yung mga namatay pero patuloy pa rin ang problema sa droga,’ ayon kay DeGuman.

Pabor naman si De Guzman sa ‘decriminalization of abortion’ upang mabawasan ang pagkamatay ng mga kababaihan na sumasailalim sa lihim na operasyon ng ‘pagpapalaglag’ dulot ng ‘unwanted pregnancy’.

Isusulong din ni De Guzman ang electoral reform, at ang pagkakaroon ng enabling laban sa ‘political dynasty’, Kasama naman ni De Guzman sa Partido Lakas ng Masa si vice presidentialble Walden Bello.

Muling namang inaaanyayahan ng Radyo Veritas ang publiko lalo na ang mga botante na makibahagi sa isinasagawang E-Catholic Forum ng Radio Veritas bilang bahagi ng voters education campaign na One Godly Vote bilang paghahanda sa nalalapit na halalan.

Ang E-Catholic one on one Forum ay inilunsad ngayong araw hanggang sa April 9 tuwing ika-walo hanggang ika-10 ng umaga na mapapakinggan sa RAdio Veritas at ilan pang katolikong himpilan at social media accounts.

Tampok na panauhin ang mga kandidato sa pinakamatataas na posisyon ng pamahalaan- o ang mga tumatakbo sa pagkapangulo, ikalawang pangulo at mga senador.

Bukas araw ng Martes, magiging panauhin naman si Dr. Jose Montemayor Jr. ng Democratic Party of the Philippines.

Nagsisilbi namang tagapagpadaloy ng talakayan si Angelique Lazo Mayuga kasama si Fr. Jerome Secillano ng Public Affairs Permanent Committee ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 118,976 total reads

 118,976 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 153,653 total reads

 153,653 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 176,083 total reads

 176,083 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 212,569 total reads

 212,569 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 223,413 total reads

 223,413 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top