Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 4,362 total views

Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang tinatawag na “cancel culture”?

Ang cancel culture ay tumutukoy sa pagpuna sa mga prominenteng personalidad—katulad ng mga artista at sikat na public figures—na nagbibitiw ng mga salita o gumagawa ng mga bagay na nakasasakit o nakagagalit. At bilang parang ganti, kina-cancel sila ng publiko. Hinihikayat nila ang pagbawi ng mga tagahanga ng kanilang suporta sa nasabing mga personalidad o kaya naman ay pag-boycott sa kanilang mga iniiendorso o palabas, hanggang sa mabawasan at manamlay ang kanilang kasikatan. Ang pag-cancel ay itinuturing na pagpapanagot sa mga taong hindi ginagamit sa tama o positibong paraan ang kanilang impluwensya. Isa raw itong hakbang tungo sa sama-samang paghingi ng katarungan para sa mga tao at pamayanang nasasaktan o napapahamak ng mga salita at gawa ng mga kina-cancel.

Nitong mga nakalipas na araw, may ilang sikat na personalidad ang pinukol ng mga tawag na i-cancel dahil sa kanilang pagsuporta sa mga kandidatong nasangkot sa katiwalian at pagnanakaw, sumusuporta sa mga hindi makataong patakaran, o lantarang binabaluktot ang katotohanan at kasaysayan. At gaya ng inaasahan, naging mainit na usapan ito, lalo na sa social media. Iginigiit ng mga pumupunang netizens na ang pagpanig sa kandidatong ilang beses nang nagsisinungaling, hindi nagbayad ng tamang buwis, at binabalewala ang mga biktima ng diktadura ay pagtataksil sa publikong nagpapasikat sa mga prominenteng personalidad. Ipinagtanggol naman ang mga ipinapa-cancel ng mga tagasuporta ng mga kandidatong kanilang inendorso; bakit hindi na lang daw igalang ang karapatan at kalayaan ng mga artistang piliin ang mga gusto nilang kandidato.

Hindi natin alam kung gaano kaepektibo ang pagka-cancel upang maitama ang maling ginawa ng mga kina-cancel ng publiko. Maaaring mabawasan sila ng mga tagahanga o mabahiran ang kanilang kasikatan, ngunit maaari din namang makakuha sila ng simpatya mula sa iba. Hindi rin natin alam kung tunay nga bang napapangalagaan ng ganitong pamamaraan ng pagpapanagot ang mga pinapahalagahan natin bilang isang bayan katulad ng pagkilala sa katotohanan at pagkakaroon ng matuwid na pamamahala. Maaaring makapagpalakas ng loob sa publiko ang ganitong pagpuna sa mga maimpluwensya, ngunit hindi malayong kalaunan ay maglaho ang interes ng tao sa mga malalaking isyu at babalik din tayo sa dati.

Sa tulong ng teknolohiya, tunay na napakadali na ngayong magbahagi ng ating mga ideya, opinyon, at kuru-kuro sa halos lahat ng bagay—mula sa mga seryosong isyu sa lipunan hanggang sa mga ordinaryong pangyayari sa ating paligid. Masasabi rin nating pinabilis ng teknolohiya ang pag-usbong ng cancel culture. Ngunit ipinapaalala ni Pope Francis na kailangang maging maingat na ang pakikilahok sa cancel culture ay hindi mauwi sa pagbura sa pagkakakilanlan o identity ng bawat isa sa atin. Nababahala siyang ang ganitong kultura ay mauwi sa pagpapatahimik sa ating kapwa at pagsasara sa pagkakataong unawain ang isa’t isa. Hindi niya sinasabing huwag nating punahin at huwag tulungang maliwanagan ang mga kumikiling sa mga mali at nakasasakit na salita at gawain ng iba. Kung uunawain natin ang kanyang paalala sa tema ng kanyang pagpapastol sa ating Simbahan, ang isinusulong ng Santo Papa ay ang isang kulturang marunong makinig at kumilatis ngunit nag-iiwan ng puwang upang magkasundong ituwid ang dapat ituwid at itama ang dapat itama.

Mga Kapanalig, wika nga sa Efeso 5:11-13, “Huwag kayong makibahagi sa mga gawain ng kadiliman na walang ibinubungang mabuti. Sa halip ay ibunyag ninyo ang mga iyon.” Itama natin ang mali at ipagtanggol ang katarungan sa ating bayan, ngunit huwag nating hayaang iwan tayo nitong mabilis na humusga at magtanim ng sama ng loob sa ating kapwa. Palaganapin natin ang kulturang ang tunay na kinakansela ay ang kasinungalingan, kasamaan, at kawalang katarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 7,165 total views

 7,165 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 13,138 total views

 13,138 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 18,893 total views

 18,893 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 26,156 total views

 26,156 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 34,140 total views

 34,140 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 7,166 total views

 7,166 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 13,139 total views

 13,139 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 18,894 total views

 18,894 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 26,157 total views

 26,157 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 34,141 total views

 34,141 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,552 total views

 35,552 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,556 total views

 47,556 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,598 total views

 55,598 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,155 total views

 47,155 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,580 total views

 45,580 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,366 total views

 47,366 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,291 total views

 44,291 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,605 total views

 58,605 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,295 total views

 62,295 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,898 total views

 60,898 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top