Pagbibigay Halaga sa Kababaihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,422 total reads

Ngayong pandemya, mas nakita natin kung paano tinaguyod ng mga kababaihan ang ating lipunan. Mula sa ating tahanan hanggang sa mga frontlines, ang mga babae ang nanguna upang tayo ay maka-survive at maka-ahon mula sa mga salot na dala ng COVID-19.

Sa larangan nga ng healthcare, mas marami ang babaeng frontliners. Ayon sa isang pag-aaral,  halos 75% ng mga nurses ay babae at higit pa sa 80% ng pharmacists ay babae rin.  Mga 56.9% naman ng mga doctor ay babae, at 61.9% ng mga physiotherapist ay babae rin.

Nakita rin natin na sa buong mundo, mas naging matagumpay ang mga female leaders sa paglaban sa COVID-19. Ang mga ehemplo nito ay si Jacinda Ardern ng New Zealand at Tsai Ing-Wen ng Taiwan.

Sa ating sariling mga bahay, nakita rin ang kagitingan ng mga babae. Sa ating mga nanay pa lamang, sobra sobra ang oras na ginugol nila upang tayo ay maging mas komportable nitong nakalipas na dalawang taon.  Bago pa nga lamang magpandemic, sobra sobra na ang sakripisyo ng mga babae. Ayon sa isang pagsusuri, hindi pa man nagpa-pandemic, ang mga babae ay gumugugol ng triple pa sa dami ng oras para sa unpaid domestic and caring work – at di na nga ito bayad, hindi pa natin ito tunay na pinahahalagahan. Ayon nga sa ILO, ang 16 billion hours na ginugugol para sa unpaid caring kada araw  ay ika-sampu na ng economic output ng buong mundo kung atin itong binabayaran ng tamang halaga.

Ang nakakalungkot kapanalig, sa ating mundo, mas binigyang halaga pa natin ang mga opinyon ng mga social media influencers at mga media sites na nagpapalipana ng mga stereotypes na nagkakahon sa kakayahan at galing ng mga babae. Mas tinutulak natin ang pag-like o pag-heart sa mga outfits of the day kaysa sa mga impormasyon o mga aksyon na mas magtutulak ng kapakanan ng mas nakakaraming kababaihan, lalo na yaong nakukulong sa hirap o sa sobrang pagtatrabaho.

Sa social media, o maski sa traditional media, ang mga karaniwang imahe ng kababaihan ay hindi tunay na kumakatawan sa mas nakakaraming kababaihan sa ating lipunan. Nagbibigay ito ng mga unrealistic expectations na maaring sumira pa sa mental health ng maraming babae, o di kaya magbigay pa ng maling role models. Iniimpluwensyahin nito ang mga mas nakababata na humabol sa likes o heart sa mga social media apps, sa halip na maging mga unique o walang kaparis na indibidwal na malaki ang bahagi at ambag sa lipunan.

Ang mga kataga mula sa Forming Consciences for Faithful Citizenship ng U.S. Conference of Catholic Bishops ay akma sa usaping ito: Where the effects of past discrimination persist, society has the obligation to take positive steps to overcome the legacy of injustice, including vigorous action to remove barriers. Dinggin sana natin ito.

Sumainyo ang Katotohanan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 8,619 total reads

 8,619 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 8,855 total reads

 8,855 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 24,761 total reads

 24,761 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 147,070 total reads

 147,070 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 197,433 total reads

 197,433 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 324,491 total reads

 324,491 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 408,771 total reads

 408,771 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi krimen ang magprotesta

 24,762 total reads

 24,762 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 147,071 total reads

 147,071 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 197,434 total reads

 197,434 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 324,492 total reads

 324,492 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »
Scroll to Top