Maraming manggagawa, makakabalik na sa trabaho

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 926 total reads

Inaasahan ng Department of Trade and Industry (DTI) na aabot sa limang-daang libong manggagawa ang magkakaroon o makakabalik sa trabaho sa pag-iral ng pinakamaluwag na panuntunan ng alert level 1 sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Trade Undersecretary (Usec) Ruth B. Castelo, sinusuportahan ng DTI ang bagong panuntunan ng Inter Agency Task Force na iiral simula March 01 hanggang 15 dahil makakabuti ito para sa patuloy na pagbangon ng ekonomiya.

“DTI supports the decision of IATF on lowering the alert level in the National Capital Region, gusto natin ang alert level 1 para tuloy tuloy na yung ating economic recovery,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Usec Castelo.

Paalala ni Usec Castelo sa bawat mamamayan na patuloy pa ring pag-iingat mula sa banta ng COVID-19 virus at pagsunod sa mga panuntunan katulad ng pagsusuot ng face mask.

“Hindi pa rin natin pwedeng i-compromise ang health protocols with the lowering of the alert level, we have Estimated around 500-thousand drops na mababalik with the opening up of the economy. Yes we have around 500-thousand,” ayon pa kay opisyal ng DTI.

Sa pag-iral ng alert level 1 status sa NCR at may 38-iba pang bahagi ng bansa ay walang limitasyon sa kapasidad sa parehong indoor at outdoor facilities ng mga negosyo at iba pang mga establisyemento.

Sa mga papasok sa mga gusali, kinakailangang magpakita ng vaccination cards ang mga nasa edad mga 18-taong gulang pataas.

Paglilinaw ng DTI, bagamat halos lahat ng mga negosyo ay maaari ng magbukas muli ay ipagbabawal pa rin o lilimatahan ang kapasidad ng ilang gawain at mga lugar na maaaring dagsain ng napakaraming tao.

“Meron lang maiiwan na businesses like yung mga sabong, gambling yung mga talagang nag do-draw malalaking crowds otherwise almost all bussineses are already open,” ani Usec Castelo.

Suportado naman ng Simbahang Katolika ang mga hakbang ng pamahalaan na itataguyod ang pamumuhay ng mga manggagawang Pilipino.

Una nang naging apela ni Father Jerome Secilanno,Catholic Bishops’ Conference of the Philippine Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary sa pamahalaan na igawad sa mga manggagawa ang mga tulong at benepisyo higit na ngayong panahon ng pandemya upang maipagpatuloy ang pamumuhay na may dignidad.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 6,006 total reads

 6,006 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 6,153 total reads

 6,153 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 20,450 total reads

 20,450 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 143,063 total reads

 143,063 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 193,427 total reads

 193,427 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 320,485 total reads

 320,485 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 405,035 total reads

 405,035 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 6,154 total reads

 6,154 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »
Scroll to Top