Pastoral ministry, patuloy na pinapalawak ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,259 total views

Binigyang diin ng opisyal ng Pontificio Collegio Filipino na mahalaga ang patuloy na paghuhubog ng mga pastol ng Simbahan para mas lumawak ang kaalaman sa pangangalaga ng kawan ng Panginoon.

Ayon kay PCF Rector Father Gregory Ramon Gaston isang uri ng pastoral ministry ang paghuhubog sa mga pari sa kapakinabangan ng mga komunidad na pinaglilingkuran.

“Some seminarians and priests love to distinguish between pastoral work on the one hand and academic studies on the other; academic studies are truly a pastoral ministry, as it is done out of a spirit of service for the Church,” bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston.

Ang mensahe ng pari ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-apat na dekada ng pagiging pari ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle ang kasalukuyang Prefect ng Congregation for the Evangelizations of People at kasalukuyang nanunuluyan sa institusyon.

Batid ni Fr. Gaston ang kahalagahan ng patuloy na pagsasaliksik at pag-aaral sa iba’t ibang larangan para mas mahubog ang kaalaman at kakayahan.

Aniya kinakailangan ng mga pari at iba pang lingkod ng simbahan ang mga pag-aaral para sa mas maayos na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor ng lipunan at paglilingkod sa mga komunidad kabilang na ang hindi kasapi ng simbahang katolika.

Itinuring ng pari na isang magandang halimbawa si Cardinal Tagle na patuloy ang paghuhubog sa kabila ng tinatamasang posisyon sa simbahan sa nakalipas na 40 taong pagiging pari.

Sinariwa nito ang pagiging masikap ng cardinal habang nag-aral noon ng Licentiate at Doctorate in Sacred Theology sa Washington DC; pagtuturo sa mga seminaryo sa bansa at pagtanggap ng iba’t ibang Doctorates Honoris Causa sa Pilipinas at ibayong dagat; at pagtalaga noon ni Cardinal Joseph Ratzinger kay Cardinal Tagle bilang kasapi ng International Theological Commission of the Vatican.

Sa apat na dekadang pagiging pastol ng simbahan, iniimbitahan pa rin si Cardinal Tagle na magbigay ng mga panayam sa iba’t ibang pagtitipon sa buong mundo.

Dahil dito umapela si Fr. Gaston sa mananampalataya ng patuloy na suporta para sa Pontificio Collegio Filipino na malaking tulong sa mga pari, madre, at relihiyoso na nagpapatuloy sa kanilang pag-aaral sa mga paaralan sa Roma.

“I always pray that our lay faithful could support their home dioceses so that their Bishops could send some of their priests for further studies in Rome, to undertake this specialized ‘ministry of academic studies for service to the Church,”
suportang pahayag ni Fr. Gaston sa mensahe ni Cardinal Tagle.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 51,117 total views

 51,117 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 81,340 total views

 81,340 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 107,991 total views

 107,991 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 202,964 total views

 202,964 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 220,739 total views

 220,739 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top