Walang batas na nagbabawal sa Simbahan na makialam sa pulitika-Bishop Bacani

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,503 total views

Malaya ang bawat Filipino na sumampalataya sa anumang relihiyon.

Ito ang paglalagom ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. bilang kahulugan ng ‘separation of church and state’ na paulit-ulit na pinupukol sa Simbahang Katolika.

Nilinaw ng Obispo na ang separation of church and state ay hindi pagtatakda ng opisyal na relihiyon ng bansa at hindi rin kinakailangang pagbatayan sa paghahanap ng trabaho o paglilingkod sa bayan.

Iginiit ni Bishop Bacani na bagama’t mayorya ng populasyon ng Pilipinas ay mga katoliko o katumbas ng 80 porsiyento ay malaya ang bawat Filipino na pumili ng kanilang relihiyon at paniniwalaan.

“Sa totoo lang, hindi rin ipinagbabawal na kumandidato ang isang pinuno ng isang relihiyon para sa isang puwesto ng gobyerno kumampanya para sa kaniyang sarili. Ang ating batas ay hindi nagbabawal na kumampanya ang sinumang taong simbahan para sa kandidatong gusto nya. ‘yan ang batas ng ating bansa,” ayon sa pahayag ni Bishop Bacani sa programang Veritas Pilipinas.

Sinabi ni Bishop Bacani na walang nagbabawal sa simbahan sa pagbibigay ng palagay tungkol sa iba’t ibang usapin sa lipunan.

Kilala ang simbahan sa pagpuna sa mga maling polisiya ng pamahalaan na binabatikos din ng ilan dahil sa pagkiling sa ilang kandidato ngayong halalan.

Una na ring binabatikos ang simbahan na pakikialam sa pulitika dahil sa personal na pagkiling ng ilang mga lingkod ng simbahan sa mga kandidato.

Inihayag pa ng obispo na hindi nag-eendorso ang simbahang katolika bilang institusyon subalit maaari ring isagawa kung walang matinong kandidato na para sa kapakanan at dignidad ng sambayanan.

“That is not an absolute truth, kung makikita ng simbahan na walang matinong kandidato kundi iisa para sa kapakanan ng sambayanan at dignidad ng tao pwede rin naman na ang simbahang na buo na manindigan pero yun ay ‘exceptional circumstance’ totoo yun. ‘Yun ay kung kinakailangan lamang talaga. Pero normally, hindi kinakailangang gawin ‘yun,” ayon pa kay Bishop Bacani.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 123,733 total views

 123,733 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 167,341 total views

 167,341 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 248,743 total views

 248,743 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 255,518 total views

 255,518 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

11-member prosecution panel, buo na

 12,073 total views

 12,073 total views Pormal nang binuo ng Kamara de Representantes ang 11-miyembrong prosecution panel na hahawak sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Scroll to Top