215 total views

1st Sunday of Lent Cycle C

Deut 26:4-10 Rom 10:8-13 Lk 4:1-13

Ang mahahalagang pangyayari ay sinasariwa sa isang pagdiriwang, at ang pagdiriwang, upang maging makabuluhan, ay pinaghahandaan. Mahalaga ang 500th anniversary ng pagdating ng Pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas. Kaya ito ay ipinagdiriwang natin ngayong taon. Dahil sa mahalagang pagdiriwang, ipinaghanda natin ito ng 9 na taon mula pa noong 2013. Sa bawat taon binalikan natin ang mga pastoral priorities ng ating simbahan. Gayon din, taon-taon ipinagdiriwang natin ang pinakamahalagang ginawa ni Jesus para sa kaligtasan ng mundo. Siya ay nagpakasakit, namatay at muling nabuhay. Tinatawag natin itong misteryo paskal, paschal mystery. Ipinaghahanda natin ito ng apatnapung araw – ang kuwaresma – na sinimulan natin noong nakaraang Miyerkules, ang Miyerkules ng Abo. Sa loob ng mga araw na ito sinisikap natin na maging makabuluhan ang ating pagiging Kristiyano, na walang iba kundi ang ating pagtulad kay Kristo. Marami tayong gagawin sa kuwaresma pero sana hindi mawala sa ating paningin ang layunin nito, na lalo tayo maging tulad ni Kristo.

Isang bagay na nararanasan natin sa buhay ay ang tukso, na walang iba kundi mga pagsubok. Mula noong nagkaroon tayo ng malay bilang bata hanggang tayo ay mamatay tinutukso tayo. Minsan malakas ang tukso, minsan naman hindi natin ito napapansin. Ngunit hindi ito nawawala sa ating buhay.

Hindi naman masama ang tukso. Sinulat nga ni Santiago: “Mapalad ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos siyang subukin, tatanggap siya ng gantimpala sa buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya.” Sa tukso nasusukat ang ating katapatan at nadadalisay ang ating pag-ibig sa Diyos. Pero marami ang nahuhulog sa pagsubok. Sa halip na maiangat sila, sila ay bumagsak. Paano ba natin mapagtatagumpayan ang tukso? Tingnan natin si Jesus. Siya ay tinukso din at natalo niya ang diyablo sa pakikipagtunggali sa kanya. Paano ito nagawa ni Jesus?

Si Jesus ay tinukso habang siya ay nasa disyerto pagkatapos ng pagbibinyag sa kanya. Doon si disyerto si Jesus ay nagdasal, nagnilay at nag-ayuno. Ang pagbibinyag kay Jesus ay ang simula ng kanyang public ministry. Doon sa disyerto inihanda ni Jesus ang kanyang sarili sa kanyang misyon. Panalangin, pagninilay at pag-aayuno. Iyan ang mga gawain natin ngayong panahon ng kuwaresma. Kaya ang panahong ito ay ang pananatili natin sa disyerto; ito ay parang 40-day retreat ng buong simbahan. Dahil sa panalangin at pagpepenitensiya – iyan ang ating pag-aayuno – naging malakas siya sa atake ng kaaway. Makikita natin na ang mga tukso kay Jesus ay siya ring mga tukso na dumadating sa atin.

Ang unang atake ng kaaway ay sa ating katawan, sa mga pangangailangan ng katawan. Si Jesus ay gutom dahil sa kanyang pag-aayuno. Sabi ng demonyo na Anak naman siya ng Diyos. Gamitin niya ang kanyang kapangyarihan upang mapunan ang kanyang pagkagutom. Gawin niyang tinapay ang mga bato sa disyerto. Tayo rin ay natutukso dahil sa mga udyok ng katawan – tukso sa labis na pag-inom ng alak, tukso sa droga, tukso sa sex, tukso sa katamaran at katakawan. Gusto natin na masunod ang tawag ng ating laman. Ang pangbato ni Jesus ay ang Salita ng Diyos. Nasusulat, “hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat Salita na nanggaling sa Diyos.” Sundin natin, hindi ang udyok ng katawan, kundi ang udyok ng Salita ng Diyos.

Ang pangalawang tukso ay ang tukso na maging mayaman at makapangyarihan. Kaya hinamon siya ni Satanas na ibibigay daw sa kanya ang lahat ng kayamanan sa mundo kung sasamba lang siya sa kanya. Maraming tao ang natutukso din ng kayamanan at kapangyarihan. Sa harap ng pera nawawala na ang kaalaman nila kung ano ang tama at ano ang mali. Iyan ay nangyayari sa panahon ng halalan. Dahil sa pera, nagiging troll na lang, kasi malaki ang suweldo dito. Dahil sa tugtog ng pera, nangangampanya sa kandidato na hindi naman karapat-dapat. Dahil sa pera, pinagbibili ang kanyang boto. Kapag may pera nang kumikilos, hindi na iyan matuwid na tao. Magnanakaw na iyan. Maaring nagnakaw na iyan kaya marami siyang pera o magnanakaw iyan para mabawi ang ipinambili niya ng boto. Ang mga politiko naman na gustong manalo, at any cost, ay sumasayaw sa tugtog ng kapangyarihan. Ang tugon ni Jesus ay galing uli sa Banal na Bibliya: Nasusulat, “Ang iyong Diyos at Panginoon ang sasambahin mo, at siya lang ang iyong paglilingkuran.” Ang Diyos
lang ang ating susundin at paglilingkuran.

Ang pangatlong tukso ay tukso sa kayabangan, sa pagiging sikat, tukso na maging trending, na maging viral. Sa taluktok ng templo sa Jerusalem dinala ng diyablo si Jesus at pinalulundag. At gumamit din ang demonyo ng Bibliya, kasi nasusulat: “Ipagbibilin niya sa kanyang mga anghel na ingatan ka. Aalalayan ka nila upang hindi ka matisod sa bato.” Imagine kung ginawa ito ni Jesus at nakita siya ng mga tao na hindi siya na-ano. Hahangaan siya ng mga tao. Maniniwala na agad ang mga tao sa kanya. Maging madali na ang kanyang misyon. Ngunit sinabi ni Jesus na mali ang paggamit ng diyablo ng Bibliya kasi nasusulat, “Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.” Ang ibig sabihin nito, na huwag kang gagawa ng kahit na anu-anong bagay, kahit na walang kabuluhang bagay, kasi ililigtas ka naman ng Diyos. Iyan ay maling akala.

Sa lahat ng mga tukso, ang panlaban ni Jesus ay ang Salita ng Diyos. Hindi niya pinakinggan ang salita ng Diyablo kundi ang Salita ng Diyos. Kakaiba siya kay Adan at kay Eba sa jarden ng Eden. Pinakinggan nila ang salita ng ahas at hindi ang salita ang Diyos na may likha sa kanila.

Napagtagumpayan ni Jesus ang mga tukso sa kanya dahil sa panalangin, pagpenitensiya, at Banal na kasulatan. Alam ni Jesus ang gusto ng Diyos kasi alam niya ang Salita ng Diyos. Nalaman niya ang Salita ng Diyos sa pagbibigay niya ng panahon na magdasal at magnilay. Napanindigan niya ang Salita ng Diyos kasi nag-ayuno siya, may self-discipline siya.

May salita ng Diyos ngayon na sana pakinggan natin at gawin. Sa ating unang pagbasa sinabi ni Moises sa mga Hudyo na kapag sila ay nasa lupain na na ibibigay ng Diyos sa kanila at sila ay makaani na, mag-alay naman sila sa Diyos. Sasabihin nila sa pag-aalay nila na ang mga magulang nila ay mga pagala-galang dayuhan lamang, mga Arameo, naging alipin sila sa Egipto, itinawid sa disyerto at binigyan sila Diyos ng lupain na masagana. Kaya ngayon dinadala nila sa Diyos bilang handog ang mga unang bunga ng lupa. Nagbalik-handog ang mga Israelita. Kinilala nila ang kabutihan ng Diyos sa kanila at bahagi ng kanilang pagsamba sa kanya ay nagbabalik-handog sila. Binabalik nila ay ilang biyaya na tinggap nila. Ito ay salita ng Diyos. Maaari din ba natin itong sundin? Ngayong kuwaresma, maaari na rin ba tayo magbalik-handog ng ating panahon, ng ating talento at ng ating kayamanan sa Diyos? Maglaan tayo ng panahon para magdasal at magbasa ng Bibliya. Magserve tayo sa simbahan at sa ating kapwa. Magtabi tayo ng pera, bunga
ng ating pag-aayuno at pagpepenitensiya at ialay natin bilang balik-handog. Sa ganitong paraan mararanasan natin na hindi lang natin napapakinggan ang Salita ng Diyos, kundi ito ay isinasagawa rin natin. Imagine kung gagawin natin ito ng 40 days! Talagang magiging mabubuting katiwala na tayo.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 41,730 total views

 41,730 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 47,148 total views

 47,148 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 53,855 total views

 53,855 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 68,649 total views

 68,649 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 74,805 total views

 74,805 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 3,276 total views

 3,276 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 8,595 total views

 8,595 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 10,753 total views

 10,753 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 12,911 total views

 12,911 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 13,261 total views

 13,261 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 26,731 total views

 26,731 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 27,160 total views

 27,160 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 31,204 total views

 31,204 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 33,960 total views

 33,960 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 19, 2024

 33,960 total views

 33,960 total views First Things First | February 19, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 18, 2024

 33,942 total views

 33,942 total views First Things First | February 18, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 18, 2024

 37,443 total views

 37,443 total views Homily February 18, 2024 1st Week of Lent Gen 9:8-15 1 Pet 3:18-22 Mk 1:12-15 Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapahalaga ng ating binyag. Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanan ng binyag ay ating isinasabuhay sa bawat sandali ng ating buhay. Dahil sa binyag, nagkaroon tayo ng bagong buhay. Nakiisa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 17, 2024

 33,941 total views

 33,941 total views First Things First | February 17, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 16, 2024

 33,936 total views

 33,936 total views First Things First | February 16, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 15, 2024

 33,936 total views

 33,936 total views First Things First | February 15, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top