Catholic schools sa gobyerno: face to face class, gawing dahan-dahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 608 total reads

Nanawagan ang Catholic Educational Association of The Philippines (CEAP) sa pamahalaan na dahan-dahan ipatupad ang Limited Face-to-Face classes.

Ito ang mungkahi ni Jose Allan Arellano, executive director ng CEAP, kaisa ang Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA).

Ang pahayag ay kasunod ng pagsang-ayon ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa mungkahi ng Commission on Higher Education na pairalin ang 100% classroom seating capacity sa kolehiyo ng mga pamantasan at unibersidad na nasa Alert Level 1 areas para sa mga fully vaccinated na mag-aaral, guro at kawani ng paaralan.

Sa halip ayon sa CEAP at COCOPEA, dapat suriin muna ng Commission on Higher Education (CHED) at iayon ang panuntunan sa kahandaan ng mga paaralan katulad ng dahan-dahang pakikiisa ng mga kasaping paaralan ng CEAP sa face-to-face classes.

“We have been notified by the CHED on this. We are one with COCOPEA in some of our requests from the government: It should still be optional and according to the readiness of the school if they will allow more F2F classes. Some of our schools have been doing limited face to face for the medical and allied fields. We are gradually opening our schools to more students,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Arellano sa Radio Veritas.

Sinabi pa ni Arellano, mula sa mahigit 1,600 mga kasaping paaralan ng CEAP, mahigit isang-libo ang mga nasa Alert Level 1 Areas at minorya pa lamang mula sa bilang ang naging bahagi na ng limited face-to-face classes.

“We have been preparing our schools using the safeguards given by the IATF. We are in constant communication with the CHED and DepEd on this. We are being consulted naman. The real problem is the DepEd Regional offices who implement policies that are sometimes arbitrary and not the same with the central office,” ayon pa kay Arellano.

Hinihikayat rin ng CEAP ang mga magulang at legal guardians na makiisa at pabakunahan ang mga mag-aaral upang matagumpay na maidaos at maiwasan ang banta ng COVID-19 sa panunumbalik ng face to face classes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 227,493 total reads

 227,493 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 259,224 total reads

 259,224 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 361,048 total reads

 361,048 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 401,611 total reads

 401,611 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 412,988 total reads

 412,988 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 22,891 total reads

 22,891 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top