Kahirapan sa Kanayunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,127 total reads

Subukan mong mag-ikot sa mga kanayunan ng ating bansa ngayon at makikita mo ang naging hagupit ng sunod-sunod na krisis sa buhay ng ating mga mamamayan.

Magmula sa mga lockdowns ng pandemya at ang bunsod nitong kawalan ng trabaho, kasama na ang mga naglalakasang bagyo na dumaan sa ating bansa nitong nakaraang mga taon, sobra talaga ang naging paghihirap ng marami nating kababayan. Kung titingnan mo ang kanilang naging karanasan, lalo na sa mga probinsya kung saan nawala ang sigla ng turismo, nabawasan ang kita sa pagsasaka at pangingisda, at nagsara ang mga factories, maiisip mo, paano kaya ang naging buhay nila noong kasagsagan ng mga lockdowns? Nakarecover na kaya sila ngayon?

Base sa datos ng Philippine Statistics Authority, mas dumami ang proporsyon ng mahirap na Filipino nitong first quarter ng 2021 kumpara sa first quarter ng 2018. Naging 23.7% na ito kapanalig, nitong unang sangkapat ng 2021, kumpara sa parehong panahon ng 2018. Katumbas nito ay 26.14 milyong maralitang Filipino. Halos labingdalawang milyong Filipino din ang hindi nakayanang tugunan ang kanilang basic food needs.

Kapanalig, karamihan sa mga mamamayang ito ay matatagpuan sa kanayunan, kung saan ang mga iyak ng maraming Filipino ay hindi naririnig, kung saan ang kahirapan ay mas miserable, dahil dinadanas ito ng mas maraming pamilyang walang makuhang tulong dahil halos lahat din sa kanilang lugar ay dumadaan sa parehong karanasan. Ayon nga mismo sa opisyal na datos, ang mga fisherfolks at magsasaka sa mga rural areas ang may pinakamataas na poverty incidence sa lahat ng batayang sektor ng bansa.

Kaya’t nararapat lamang na ang kanayunan ang maging sentro ng development ng ating bansa. Dapat ang kaunlaran ay maramdaman na sa mga lugar na hindi na-a-ambunan ng bunga ng ekonomiya, kahit sila pa ang pumapasan ng agrikultura at food security ng bansa. Kailangan ng tulong ating mga kababayang maralita, gaya ng mga mangingisda at magsasaka sa ating mga probinsya.

Ang pagtugon sa pangangailangan ng poorest of the poor ng ating bansa ay ating responsibilidad bilang Filipino at bilang isang Simbahan. Ang pagtiyak ng kanilang kaunlaran ay pagsisiguro ng kinabukasan ng bayan. Ang pagkalinga sa kanila ay tugma sa ating prinsipiyo, bilang katoliko, na inuudyok tayo na bigyan ng preferential option o mas natatanging kalinga ang maralita sa ating hanay. Sabi nga sa Deus Caritas Est: Within the community of believers there can never be room for a poverty that denies anyone what is needed for a dignified life.

Sumainyo ang Katotohanan.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 16,362 total reads

 16,362 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 6,056 total reads

 6,056 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 87,664 total reads

 87,664 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 181,889 total reads

 181,889 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 242,379 total reads

 242,379 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 255,973 total reads

 255,973 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

1,2,3 kanya-kanya na!

 6,057 total reads

 6,057 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 87,665 total reads

 87,665 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 181,890 total reads

 181,890 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 242,380 total reads

 242,380 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »
Scroll to Top