347 total views

Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, 17 Marso 2022, LK 16:19-31

Mula sa kinalalagyan niyang pagdurusa, nakita daw ng mayaman si Lazaro na nasa kandungan ni Abraham. (Aba, bakit kaya sa kabilang buhay, nakita niya si Lazaro? Noong buhay pa siya dito sa mundo nandoon lang daw ang pulubi sa may tabi ng gate ng bahay niya pero parang hindi niya nakikita. Siguro hindi naman sila talaga malayo sa isa’t isa. Pinaglalayo lang sila ng malalim na bangin.)

Balik tayo sa kabilang buhay—nagmakaawa daw ang mayaman, humihingi ng tulong kay Abraham pero ang sagot ni Abraham ay: “Anak, gusto ko mang tulungan ka hindi ko magawa. May malaking agwat sa pagitan natin na hindi pwedeng tawirin mula dito papunta diyan o mula diyan patungo dito.”

Isang palaisipan ang AGWAT na tinutukoy ni Abraham sa kuwento. Tandaan natin, ito ay isang talinghaga. Isang palaisipan, kaya pag-isipan natin ngayon nang mabuti.

Sa Filipino ang salitang AGWAT ay may kinalaman sa distansya sa pagitan ng dalawang tao, o mga grupo o mga sitwasyon. Sa mga lumang pelikulang Pilipino, madalas kong marinig ito sa mga dialogue lines ng mga bida, lalo na kapag ang magkasintahan ay magkalayo ng estado o antas ng pamumuhay. Halimbawa, isang binatang anak ng among mayaman na umiibig sa anak ng kanilang katulong. Sasabihin ng babae sa lalaki, “Imposibleng mangyari ang maging magkasintahan tayo. Langit at lupa ang agwat natin.”

Ibig sabihin “Masyadong malayo ang mga estado o katayuan natin sa lipunan.” May agwat. At ang ginagamit na larawan ng ebanghelyo ay BANGIN. Kahit magkalapit ang dalawang mataas na lugar, kung may malalim na bangin sa pagitan nila at wala namang tulay para makatawid, malapit man malayo rin.

Katulad ng North at South Korea—dating isang bayan, nahati sa dalawa at nahiwalay sila sa isa’t isa. Nakakalipad patungong America at Europa ang mga South Koreans, pero hindi nila matawid ang 38th parallel para pumasok ng North Korea. Ganyan din ang China at Taiwan. Pinaglayo ng pulitika at ideolohiya. Ganyan din dati sa Europa, sa pagitan ng Eastern at Western Europe. Ang dating simbolo ng agwat nila ay ang BERLIN WALL. Bumagsak ang pader na iyon noong 1989, noon din nagsimula ang pagkakawatak-watak ng dating Soviet Union.

Ngayon, mukhang gustong itayong muli ng presidente Putin ng Russia ang dating Soviet Union. Mukhang ibig niya na gumawa na naman ng isang bagong agwat o distansya. Imbes na magtayo siya ng pader, sinakop ang Ukraine at patuloy na pinupulbos ito. Para bang ibig niyang gawing isang malalim na hukay ang Ukraine, para wala nang muling makatatawid.

Sino ba, ayon sa kuwento ni Hesus ang gumawa ng agwat sa pagitan ng mayaman at ni Lazaro? Hindi naman sinasabi. Ito bang agwat na ito’y sa kabilang buhay lang? Balikan natin ang kuwento bago sila namatay. Si Lazaro daw ay isang pulubi na nasa may bungad lang ng bahay ng mayaman nagpapalimos. Habang nagpapasasa ang mayaman sa kabusugan, namamatay naman daw ng gutom si Lazaro. Ibig daw ni Lazaro na makiamot at kumain kahit mula lang sa mga mumo ng tira-tirang tinapay na nahuhulog mula sa mesa ng mayaman, ngunit hindi niya maabot ang mga ito. Nauunahan pa raw siya ng mga aso. Ibig sabihin may bakod sa pagitan nila. At mukhang mas mabilis makaabot sa nahuhulog na pagkain ang mga aso, at mas mabilis ding makalusot sa bakod na iyon papunta kay Lazaro para himurin ang mga sugat niya. Ay, malapit man ay malayo rin.

Parang ganito ang punto ng ating ebanghelyo: ang mga agwat natin sa buhay dito sa mundong ibabaw ay dadalhin natin hanggang sa kabilang buhay. Magbabaligtad ang sitwasyon, pero ang agwat pareho pa rin. Ang dating walang malasakit ang siya ngayon hindi pagmamalasakitan. Ang dating hindi namamansin ang siya ngayong hindi papansinin. Dahil ang agwat na bunga ng kasalanan na hindi matawid dito sa daigdig ay hindi rin matatawid sa kabila.

Pero may mabuting balita. May nagtagumpay na na makatawid sa bangin na ito. Walang iba kundi si Kristo. Hindi lang naganap ito noong siya’y muling nabuhay matapos na siya’y pinagdusa at ipinako sa krus. Sa simula pa lang, nang ang Anak ng Diyos ay nagpakumbaba at nagkatawan bilang anak ng tao, tinawid na niya ang bangin na naghihiwalay sa Diyos at tao, upang ang taong kusang lumayo sa Diyos ay maibalik niyang muli sa piling ng Diyos.

Hindi ba’t sinasabi natin sa Credo na NANAOG SIYA SA IMPYERNO? Ibig sabihin bumaba siya, tumawid, at nagtagumpay siya. Binagtas niya ang agwat upang siya mismo ang maging tulay, ang tulay ng malasakit, sa pagitan ng Diyos at sangkatauhan. Tama si Abraham, wala nga sa atin ang makatatawid sa bangin ng kasalanan at kamatayan kundi ang Diyos mismo na umako sa ating kasalanan at kamatayan.

Parang ito ang sorpresa sa wakas ng panahon, ayon sa ebanghelyo. Ang tinulungan mo ang siya palang tutulong sa iyo. Ang nagugutom na pinakain mo ang siya palang magpapakain sa iyo. Ang palaboy na pinatuloy mo ang siya palang magpapatulóy sa iyo, ang maysakit na kinalinga mo ang siya palang kakalinga sa iyo sa kabila. Siya pala ang magsisilbing tulay na mag-uugnay sa mga agwat sa daigdig.

Akala mo iniligtas mo siya, siya pala ang magliligtas sa iyo. Siya pala ang gigising sa tunay mong pagkatao na madalas pinamamanhid o pinapatay ng kawalan ng malasakit at pakialam. Kaya pala sinabi rin ni Hesus sa isa pang talinghaga ng huling paghuhukom kay San Mateo, “Ano man ang ginawa mo sa pinakahamak sa mga kapatid ko, iyan ay ginawa mo sa akin.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 62,717 total views

 62,717 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 66,696 total views

 66,696 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 77,588 total views

 77,588 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 90,030 total views

 90,030 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 100,792 total views

 100,792 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,038 total views

 2,038 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 2,561 total views

 2,561 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,060 total views

 4,060 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 4,904 total views

 4,904 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,159 total views

 3,159 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,372 total views

 7,372 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 6,605 total views

 6,605 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 10,817 total views

 10,817 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,265 total views

 4,265 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,269 total views

 4,269 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,269 total views

 4,269 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,261 total views

 4,261 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IBIG KO PO SANANG MAKAKITA

 4,261 total views

 4,261 total views IBIG KO PO SANANG MAKAKITA Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, a-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52 Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad. Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GIOVANNI BATTISTA MONTINI

 4,261 total views

 4,261 total views Homily on the Memorial of St. Pope Paul VI, 29 May 2024, Mk 10:32-45 Today we celebrate the memorial of the Pope who completed and closed the Second Vatican Council which had been opened by St. Pope John XXIII in 1962. He was actually already part of the special commission formed by Pope

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

INAMPON

 5,700 total views

 5,700 total views Homiliya para sa Holy Trinity Sunday, 26 Mayo 2024, Mat 28:16-20 Sa araw na ito ng Kapistahan ng Banal na Santatlo, tutukan natin ng pagninilay, hindi ang misteryo ng Santatlo, kundi ang epekto nito sa atin, ayon kay San Pablo: ANG DIWA NG PAGIGING AMPON NG DIYOS AT TAGAPAGMANA NG KANYANG KAHARIAN. Pag-ampon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top