Agustinian Recollect Missionaries, hinamon ni Pope Francis na tularan si San Jose

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,099 total reads

Binisita ng Augustinian Recollect missionaries ang Kanyang Kabanalan Francisco kasabay ng ika – 56 na General Chapter ng Order of Augustinian Recollects.

Ipinagkaloob ng mga misyonero sa Santo Papa ang replica image ng Nuestra Señora de la Salud (Our Lady of Health) bilang pasasalamat at pakikiisa sa misyon ng simbahan.

Mensahe ni Fr. Dionisio Selma, OAR kay Pope Francis ang patuloy na pananalangin sa punong pastol ng simbahan at ibinahagi ang kasaysayan ng imahe ng Mahal na Birhen na dinala sa Pilipinas noong 1634 at naghatid ng kagalingan sa naranasang pandemya noon.

“The image of Nuestra Señora de la Salud has brought healing to many Filipinos during the pandemic. We offer prayers for your work and leadership of our Church,” bahagi ng mensahe ni Fr. Selma.

Ito rin ay kaloob ng mga rekoleto bilang pasasalamat at handog sa ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo sa Pilipinas kung saan patuloy na lumalago ang pananampalataya at debosyon ng mga Filipino.

Ang debosyon ng mga Filipino sa Nuestra Señora de la Salud ay nagsimula noong panahon ng Spanish Recollect missionaries sa Pilipinas.

Sa gitna ng naranasang pandemya bunsod ng COVID-19 marami ang humiling ng panalangin kagalingan sa tulong ng Mahal na Birhen ng Salud.

Sa pulong, hinimok ni Pope Francis ang mga Recoleto na patuloy na ihayag ang misyon ng Panginoon tulad ni San Jose na kumakalinga sa kawang inihabilin ng Diyos kabilang na ang pagiging foster father ni Jesus.

“Every priest is called, like Joseph, to have a “father’s heart”, that is, a restless heart that goes out of his way to love and care for his children and daughters who have been entrusted to him, especially the most fragile, those who suffer, those who have not had the experience of paternal love,” ayon pa ni Pope Francis.

Iginiit ng Santo Papa na nararapat tularan si San Jose sa pagmimisyon sapagkat isinakatuparan nito ang mga iniatang na gawain para sa sanlibutan.

Hamon ni Pope Francis sa mga misyonero ang patuloy na pakikilakbay ng simbahan o ang synodal journey upang ihanda ang mananampalataya at hubugin ang ispiritwalidad ng nasasakupang kawan.

“Let us prepare ourselves for what is going to happen, and let us give our charism, our gift to those who can carry it forward. Please do not mend the things that cannot be mended because a culture is imposed on us,” ani Pope Francis.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 6,631 total reads

 6,631 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 6,803 total reads

 6,803 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 21,542 total reads

 21,542 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 143,984 total reads

 143,984 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 194,348 total reads

 194,348 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 321,406 total reads

 321,406 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 405,908 total reads

 405,908 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top