Libu-libong residente ng Surigao na apektado ng bagyong Odette, hindi pa rin nakakabangon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,867 total reads

Apektado pa rin ang pamumuhay ng maraming residente sa Diocese of Surigao tatlong buwan matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.

Ayon kay Rev. Fr. Denish Ilogon, Social Action Director ng Diyosesis, hanggang sa ngayon ay sinisikap pa ring bumangon ng mga residente mula sa malaking pinsala na iniwan ng bagyo.

Aminado si Fr. Ilogon na bagamat sumisigla na muli ang turismo sa kanilang lalawigan partikular sa isla ng Siargao ay hindi naman magawa ng ilan na makapaghanapbuhay sapagkat nasira ng bagyo ang kanilang mga kagamitan.

“Actually makakatulong ito kaya lang tulad sa Siargao ‘yun nga tungkol sa tourism marami rin nawalan [ng kabuhayan] tulad ng mga boatman wala na sila bangka na magagamit dahil nasira ng bagyo ‘yun din ang medyo mahirap sa kanila,” pahayag ng Pari sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Fr. Ilogon na bagamat nakatuon ang kanilang pansin ngayon sa rehabilitasyon ng mga nasira ang kabahayan ay pinag-aaralan na rin nila kung paano makakatulong sa kabuhayan ng mga residente.

“Nag-iisip din kami hindi lang sa Siargao kundi maging sa ibang lugar na siguro yung third phase na dapat pagtuunan namin ng pansin pagkatapos ng relief goods, ng rehabalitation ay pagtuunan din namin ng pansin ‘yung livelihood nila kasi nga kahit may bahay sila kung wala namang pagkain mahirap din,” dagdag pa ng Social Action Director ng Surigao.

Maliban sa turismo ay pangingisda ang pangunahing pinagkukuhanan ng kita ng mga mamamayan ng lalawigan at ng mga karatig nitong isla.

“Hindi lang sa tourism area kasi yung Surigao, surrounded ng mga islands, karamihan nasa pangingisda ang kanilang mga livelihood marami dito hindi makapangisda wala na silang pump boats o motor boats na ginagamit,” paliwanag ng Pari

Umaasa ang Diyosesis ng Surigao na sa pamamagitan ng mga tulong na patuloy na dumadating sa kanila ay matutugunan ng Simbahan ang panaghoy na ito ng mga mamamayan.

“Ipagpapatuloy namin ito hangga’t may makukuhanan pa ng funds kasi tinitiyak naman namin na kung masisimulan na namin ito may mga tao na mag volunteer din na magbibigay,” ani Fr. Ilogon.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, umabot sa mahigit 7 libong pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Odette sa Surigao City habang nasa mahigit 35 libong pamilya naman ang napinsala sa Siargao Island.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 232,172 total reads

 232,172 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,903 total reads

 263,903 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,727 total reads

 365,727 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 406,290 total reads

 406,290 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 417,375 total reads

 417,375 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 109,874 total reads

 109,874 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top