Kabataan, hinimok na magsilbing PPCRV volunteers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,964 total views

Hinimok ng opisyal ng Parish Pastoral for Responsible Voting ang mga kabataan na maging aktibo sa pagbabantay at paglilingkod sa gaganaping halalan sa Mayo.

Ito ang panawagan ni Rev. Fr. Noel Nuguid, Director ng Diocesan Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV- Diocese of Balanga), kaugnay sa kanilang paghahangand na makahanap pa ng mga karagdagang volunteers para sa May 9, 2022 Election.

Ayon kay Fr. Nuguid, kailangan nila ang mga kabataan para matagumpay na mabantayan at maihatid ang makatotohanang impormasyon sa darating na halalan.

Kinilala ng Pari na malaki ang maiaambag ng mga kabataan lalo na sa kaalamang teknika.

“isa sa mga bagay na matingkad ay paanyaya sa mga kabataan lalo higit nasa loob pa din tayo ng pandemya, pangalawa may mga teknikal na pangangailangan at ang higit na makakatugon nito ay mga kabataan”pahayag ni Fr. Nuguid sa panayam ng Radyo Veritas.

Nagagalak naman ang Pari na aktibo ang mga kabataan sa iba’t-ibang parokya sa Diyosesis ng Balanga.

“Sa pagpunta namin sa ibat-ibang Parokya mas marami na ang mga kabataan kaysa sa mga may edad na”.kuwento ni Fr. Nuguid.

Tiniyak naman ng Pari na paiigtingin ng Diocesan PPCRV ng Diocese ng Balanga ang information dessimination at voters education lalo na’t papalapit na ang halalan.

“Katulad pa din ng dati ang PPCRV ay nakikipag-ugnayan sa COMELEC, sa PNP at sa DepEd, yun ang ginagawa ng Simbahan na pakikipag-collaboration pero sa loob ng Simbahan patuloy yung paanyaya para dumami yung mga volunteers sa magiging eleksyon sa May 2022” paglalahad ng Pari.

Batay sa datos ng Commission on Election o COMELEC, 56 na porysento ng mga rehistradong botante ngayong halalan ay napapabilang sa edad na 18 hanggang 41.

Tinatayang nasa 7.29 million ng mga botante ang nasa Central Luzon kung saan napapabilang ang lalawigan ng Bataan o ang Diyosesis ng Balanga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 55,191 total views

 55,191 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 85,413 total views

 85,413 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 112,064 total views

 112,064 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 207,037 total views

 207,037 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 224,532 total views

 224,532 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 89,287 total views

 89,287 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top