Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 381 total views

Kapanalig, isa sa mga leksyon na tinuro ng pandemya sa buong mundo ay ang importansya ng pagtitiyak ng supply ng pagkain. Sa usaping ito, hindi lamang pagtatanim at lahat ng kasama sa proseso ng pagtatanim at pag-aani ang mahalaga. Ang buong food supply chain, mula sa binhi hanggang sa mai-latag ang pagkain sa bawat hapag ng mga mamamayan, ay kailangang bigyang diin at importansya.

Noong simula ng pandemya, nakita natin ang malaking pagkaputol o disruption sa food supply chain. Truck-truck ng mga food supply ang na-tengga dahil sa mga lockdowns. Marami rin ang nasayang – alam naman natin na ang pagkain ay perishable goods. Dahil nga dito, sa gitna ng pandemya at disruption sa supply ng pagkain, tumaas pa ang presyo nito noon. Ayon nga sa World Bank, tumaas ng 14% ang global food prices noong 2020. Kaya nga’t mas maraming nagutom, mas maraming naghirap, mas maraming nagbawas ng konsumpsyon sa buong mundo.

Ngayong 2022, nang inakala natin na tapos na ang pinakamahirap na yugto ng pandemya, ginera naman ng Russia ang Ukraine. Malaki rin ang naging epekto nito sa supply ng pagkain, hindi lamang sa dalawang bansa na ito, kundi sa marami pang bansa sa buong mundo, kasama na tayo. Dahil sa sigalot, tumaas ang presyo ng krudo. At sa pagtaas ng presyo ng krudo, apektado na naman ang global food supply chain. Maliban sa pagtaas ng krudo, may epekto rin sa food supply ang gyera, dahil ang Ukraine at Russia ay nangungunang exporter rin ng wheat, hindi man sa Asya, kundi sa Europe.

Ang mga ganitong krisis ay malaki ang impact sa food supply chain sa buong mundo. Nagdudulot ito ng kahirapan at kagutuman sa malaking porsyento ng mga mamamayan sa loob at labas ng bansa. Kailangan ng lipunan na maging handa sa mga krisis – kailangan ang daloy ng pagkain ay malaya at walang hadlang upang maiwasan ang shortage sa supply at ang pagtaas ng presyo ng pagkain. Nakita natin kung paano naantala ang mga supply ng pagkain sa mga borders at ports ng bayan noong unang bahagi ng pandemya – kailangang makapag-taguyod tayo ng sistema at proseso upang hindi na maulit pa muli ito.

Alam niyo kapanalig, ang pagbibigay atensyon sa food supply chain ay pagsasakatuparan din ng panlipunang katarungan. Ang gutom ay isa sa mga simbolo ng kawalan ng katarungan sa lipunan. Ang pagtugon dito ay “love in action.” Ang pagtitityak ng supply ng pagkain ay salik ng ating dignidad at karapatang mabuhay. Ayon nga sa United States Conference of Catholic Bishops (2020): Ang kawalan ng katiyakan sa pagkain ay isang seryosong hadlang sa karapatang mabuhay at sa dignidad ng tao—isang dignidad na ginawad ng Diyos.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 186,013 total views

 186,013 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 208,123 total views

 208,123 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 279,743 total views

 279,743 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 268,805 total views

 268,805 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang bayanihan

 186,014 total views

 186,014 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 208,124 total views

 208,124 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 279,744 total views

 279,744 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »
Scroll to Top