Walang exempted sa pagbabayad ng buwis.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,805 total reads

Tungkulin ng bawat mamamayan mayaman man o mahirap ang magbayad ng buwis dahil nakasaad ito sa saligang batas ng Pilipinas.

Ito ang pagninilay ni Borongan Bishop Crispin Varquez sa usapin ng 203-Billion pesos estate tax na sinisingil ng Bureau of Internal Revenue sa pamilyang Marcos.

Pagbibigay diin ng Obispo, bilang may mga katungkulan sa pulitika katulad ni Senator Imee Marcos at presidential candidate Bongbong Marcos ay dapat magsilbing ehemplo ang pamilya pagdating sa tamang pagbabayad ng buwis.

“Anumang klase ng buwis na ni-require ng law for the Filipino people dapat magbayad, dapat magbigay Pangalawa is hindi lang naman ang ordinaryong mamamayan ang may obligasyon tapos dapat yung ating mga political leaders yung ating mga nasa pambansa siya dapat ang magbigay ng model sa pag-observe sa law sa paying taxes,” pahayag ni Bishop Varquez sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon naman kay Nassa/Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, panahon narin para patunayan ni Presidential Candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang naunang pahayag hinggil sa pagsunod sa mga batas na ipinapatupad sa bansa.

Ayon pa kay Bishop Bagaforo, pagkakataon din ito para kay Bongbong Marcos na maging mabuting ehemplo sa bawat mamamayan higit na sa kaniyang mga taga-suporta.

Ipinapanalangin naman ni Bishop Varquez ang pagkakaroon ng marangal at mapayapang halalan sa Mayo.

Hinihiling ng Obispo na pairalin ng mga botante ang pag-ibig sa bayan upang maihalal ang karapat-dapat na susunod na mga pinuno ng bansa.

Ayon pa kay Bishop Varquez, naway maghari ang katotohanan sa papalapit na halalan at mapagtagumpayan rin ng Pilipinas ang pagsubok ng digmaang dulot ng pananakop ng Russia at Ukraine.

“We pray to the lord na iyan ang ating marating, maraming mga challenges on the way higit na ngayong pagsiklab ng digmaan pero I hope and pray na hindi mangyari dahil sa nangyari sa Ukraine hindi sana mag-escalate yung ating kalagayan kaya I hope sa ating bansa in more than a month nalang mag-eleksyon na, all Filipinos will cast their votes sa pamamaraan ng paggabay ng katotohanan at the same time na sa spirit of patriotic,” ayon pa sa Obispo.

Hinahamon ng iba’t-ibang grupo ang Bureau of Internal Revenue na kasuhan ng criminal ang pamilyang Marcos dahil sa patuloy na hindi pagbabayad ng estate tax sa nakalipas na 25-taon.

Inihayag ng Presidential Commission on Good Government o PCGG na na-execute na ng B-I-R ang final assessment noong 1997 at ang hatol sa tax case ay final at executor na.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 7,789 total reads

 7,789 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 7,994 total reads

 7,994 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 23,378 total reads

 23,378 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 145,743 total reads

 145,743 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 196,106 total reads

 196,106 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 323,164 total reads

 323,164 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 407,549 total reads

 407,549 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 7,995 total reads

 7,995 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »
Scroll to Top