Simbahan sa mga kandidato, igalang ang mga lugar dalanginan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,649 total reads

Bigyang paggalang ang mga lugar dalanginan.

Ito ang apela ng pamunuan ng Immaculate Conception Parish Cathedral & Minor Basilica o mas kilala bilang Malolos Cathedral sa Diyosesis ng Malolos sa mga kandidato sa lokal na posisyon sa pamahalaan.

Ayon sa pamunuan ng Katedral, nararapat igalang ng mga kandidatong nangangampanya at kanilang mga taga-suporta ang mga Sakramento at mga liturhiyang isinasagawa sa mga simbahan partikular na tuwing araw ng Linggo.

Bahagi ng apela ng Simbahan ay ang pagpapatay o paghihina ng mga campaign jingles ng mga kandidato sa tuwing nasa paligid ng mga lugar dalanginan upang hindi makagambala sa mga mananampalataya.

“AN OPEN REQUEST TO ALL POLITICAL CANDIDATES Please advised your supporters and campaign personnel to show respect in all places of worship. There are sacraments and prayers being held especially on Sundays. KINDLY TURN OFF OR LOWER THE VOLUME of your CAMPAIGN JINGLES so that the faithful will not be distracted in their prayers,” panawagan ng parokya sa mga kandidato.

Nasasaad sa pinakabagong liham pastoral ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) tungkol sa Halalan 2022 na ang kapakanan ng bayan ay responsibilidad ng lahat kung saan may mahalagang papel na ginagampanan ang bawat isa.

Batay sa tala ng Commission on Elections (COMELEC) aabot sa mahigit 18,000 ang mga posisyon sa lokal na pamahalaan na kinakailangan punan sa nakatakdang National and Local Elections sa May 9, 2022 na kinabibilangan ng mga legislative district representatives; governors at vice governors; provincial board members; mayors at vice mayors; councilors; gayundin ang Bangamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao party representatives; BARMM parliamentary district representatives; at BARMM reserved seats and sectoral representatives.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 8,698 total reads

 8,698 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 8,935 total reads

 8,935 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 24,896 total reads

 24,896 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 147,200 total reads

 147,200 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 197,563 total reads

 197,563 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 324,621 total reads

 324,621 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 408,893 total reads

 408,893 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top