Green groups, nagsampa ng kaso laban sa Meralco

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 637 total reads

Nagsampa ng kaso sa Court of Appeals at Supreme Court ang mga makakalikasang grupo laban sa 1,200 Megawatt coal project ng Atimonan One Energy (A1E) ng Meralco sa Atimonan, Quezon.

Kabilang sa mga nagsampa ng kaso ang Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ), katuwang ang Kabataan para sa Kalikasan ng Atimonan (KAPAKANAN) at mga miyembro ng Quezon for Environment (QUEEN), at ang Center for Energy, Ecology, and Development (CEED).

Ayon kay Bianca Opalda Manansala ng KAPAKANAN, marami nang pag-aaral ang nagsasabing ang karbon ay magastos, hindi maaasahan at lalo lamang magdudulot ng pinsala sa kalikasan.

“Hindi dapat payagan ang mga mapanirang proyekto gaya ng proposed 1200 MW coal fired power plant sa Atimonan. Bakit pa magdadagdag ng panibagong planta? Ang pagtutol na ito ay aming ginagawa para sa aming kinabukasan,” pahayag ni Manansala.

Sinabi ni QUEEN Convenor at Diocese of Lucena Ecology Ministry Director Father Warren Puno, na ang pagsasampa ng kaso sa C-O-A at S-C ay upang matiyak na hindi maipagpatuloy ng A1E ang proyekto dahil sa iba’t ibang paglabag.

Nagpahayag rin ng pakikiisa ang P-M-C-J sa komunidad ng Atimonan laban sa mga mapaminsalang coal-fired power plants na nakadaragdag sa paglala ng climate crisis, maging ang maidudulot nitong panganib sa kalusugan ng mga tao.

Naninindigan din ang C-E-E-D na ang mga nangyayaring krisis sa kalikasan at klima ng daigdig ay nangangahulugang wala nang puwang para magtayo ng mga coal-fired power plants.

“Continued use of coal also means continued exposure of affected communities to pollution from its operations,” pahayag ng CEED.

Batay sa pagsusuri ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC) at Centre for Research on Energy and Clean Air (CREA), umaabot sa 66,000 ang naitatalang premature deaths mula sa mga non-communicable disease at lower respiratory infections kada taon na may kaugnayan sa polusyon.

Nasasaad din dito na aabot naman sa P4.5 trillion ang kabuuang halaga ng nagagastos ng bansa dahil sa air pollution.

Una nang hinimok ni Pope Francis sa kanyang Laudato Si’ ang mga mambabatas na lumikha ng polisiyang magtatakdang palitan ng renewable energy ang mga fossil fuels upang tuluyan nang mawala ang lubhang mapaminsalang emissions na nagmumula sa pagsusunog sa mga fossil fuels.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 6,921 total reads

 6,921 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 38,193 total reads

 38,193 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 117,802 total reads

 117,802 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 212,028 total reads

 212,028 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 272,300 total reads

 272,300 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 71,324 total reads

 71,324 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top