Turismo, hindi apektado ng phreatomagmatic eruptions ng Taal Volcano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 624 total views

Nilinaw ni Jaida Castillo, Officer-in-Charge ng Batangas Provincial Tourism and Cultural Affairs Office na hindi direktang maapektuhan ng pagliligaling ng Bulkang Taal ang sektor ng turismo sa lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Castillo, ligtas para sa mga turistang nasa labas ng 7-kilometers Danger Zone ang manatili sa kanilang mga pinagbabakasyunang lugar.

Iniulat ng opisyal na nakalikas na ang mga turistang mula sa mga resorts na pasok sa danger zone ng bulkan noong pang Sabado ng maitala ang phreatomagmatic eruption ng bulkan.

“Mayroon po kasi tayong tinatawag na 7 kilometer na danger zone, yung beyond 7 na naku-consider naman siya na safe po, pero sa ngayon hindi pa naman po naapply na i-evacuate yung within 7 kilometer danger zone but may mga selected barangays lang po, ang bayan ng Agoncillo at Laurel na inilikas na po yung mga taon nakatira doon,” pahayag ni Castillo sa Radio Veritas.

Sinabi ng opisyal na sa kabuuan ay hindi lubhang maapektuhan ng pagliligalig ng bulkan ang ekonomiya at sektor ng turismo sa Batangas.

Batay din sa datos ng ahensya, noong Pebrero nang unang luwagan ang mga panuntunan sa sektor ng turismo ay umaabot na sa higit 10-libong mga domestic at foreign tourist ang nagbakasyon sa mga bayang nakapaligid sa taal lake.

Sa buong lalawigan naman ay umaabot na sa 250-libong mga turista ang bumisita sa Batangas sa mga buwan ng Enero at Pebrero 2022.

Unang binuksan ng Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) ang kanilang Malasakit para sa Batangas Command Center sa mga mamamayang apektado ng pagliligalig ng bulkang Taal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 48,405 total views

 48,405 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 78,628 total views

 78,628 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 105,279 total views

 105,279 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 200,252 total views

 200,252 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 218,195 total views

 218,195 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top