Archbishop Palma, babasbasan ang kauna-unahang replica chapel ng Our Lady of Fatima

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 736 total reads

Pangungunahan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang pagbabasbas at pagtatalaga sa kauna-unahang replica chapel ng Our Lady of Fatima sa Southeast Asia na itinayo sa San Remigio Cebu.

Puspusan na ang paghahanda ng Capelinha de Fatima Replica para sa blessing at consecration na gaganapin sa ikaapat ng Abril.

Ayon kay Digos Bishop Guillermo Afable, national spiritual director ng World Apostolate of Fatima, magandang pagkakataon ito at kapaki-pakinabang sa mga Filipino lalo na sa mga deboto ng Mahal na Birhen dahil mas madaling mapuntahan at mabisita ang pilgrim chapel.

Hinimok din ni Bishop Afable ang mananampalataya na patuloy hilingin sa Mahal na Birhen ang paggabay lalo na sa mga banta ng kaguluhang nangyayari sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“In the midst of challenges and tribulations let us ask the guidance of our Blessed Mother it is a time for us to raise the banner of Our Lady; huwag tayong tatamaring gumawa ng mabuti in the midst of kasamaan at mga kaguluhan,” pahayag ni Bishop Afable sa Radio Veritas.

Itinaon ang pagbabasbas sa ikaapat na replica chapel sa buong mundo sa April 4 kasabay ng paggunita sa kamatayan ni San Francisco Marto, ang isa sa tatlong batang pinagpakitaan ng Mahal na Birhen sa Fatima Portugal noong 1917.

Kasabay ng pagbabasbas sa lugar iluluklok din ang replica image ng Our Lady of Fatima na mula sa Portugal na dadalhin ng mga kinatawan ng Sanctuario de Fatima.

Sa April 3 sa alas otso ng gabi ay magkakaroon ng film showing kaugnay sa buhay nina San Jacinta, San Francisco at Lucia nang magpakita at nagbigay ng mensahe ang Mahal na Ina.

Susundan ito ng overnight vigil kung saan dadasalin ang Santo Rosaryo, aawit ng mga Marian Songs, pagbabahagi ng mga karanasan sa Mahal na Birhen ng Fatima at magkakaroon ng sakramento ng pangungumpisal.

Hiling ng pamunuan ng Capelihna de Fatima Replica sa mga debotong dadalo ang ibayong pag-iingat at pagsunod sa safety protocol upang mapanatiling ligtas ang kalusugan ng bawat isa.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 15,666 total reads

 15,666 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 4,993 total reads

 4,993 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 86,666 total reads

 86,666 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 180,891 total reads

 180,891 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 241,380 total reads

 241,380 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 255,033 total reads

 255,033 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 34,630 total reads

 34,630 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top