COMELEC, hinamong manindigan sa tapat at malinis na 2022 elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 676 total reads

Nagsagawa ng prayer rally ang grupo ng mga maralitang tagalungsod sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) upang ipanalangin ang paninindigan ng ahensya sa tapat at malinis ng national at local elections sa darating na May 9, 2022.

Pinangunahan ito ni running priest Rev. Fr. Robert Reyes kasama ang Urban Poor Associates (UPA) at iba pang urban poor groups.

Layunin ng isinagawang prayer rally na ipanalangin ang paggabay ng Panginoon sa lahat ng mga kawani ng COMELEC at ipag-adya laban sa anumang uri ng tukso na makaapekto sa katapatan at karangalan ng nakatakdang halalan.

Ipinagdarasal ni Fr.Reyes na mapuno ng katapatan, katotohanan at dalisay na intensyon ang puso ng bawat kawani ng COMELEC sa pangangasiwa sa kabuuang proseso ng halalan sa bansa.

“To fill all Comelec commissioners and its staff with pure intentions, truth, and honesty. Please use us, the people, to guard the Comelec, this very sacred branch of the government that is expected to defend and preserve the ballots and the election process from voting in the precincts to counting votes,” panalangin ni Fr. Reyes.

Ibinahagi ni Fr. Reyes na ang prayer rally ay bilang tugon sa liham pastoral ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) tungkol sa Halalan 2022 na nananawagan sa bawat isa na manindigan sa pagsusulong ng katapatan at katotohanan sa nakatakdang halalan.

Tiwala naman ang Pari sa paninindigan, integridad at kredibilidad ng COMELEC na mapagtatagumpayan ang anumang uri ng tukso na dulot ng kasamaan.

Umaasa naman si Fr. Reyes na maging aktibo ang binuong inter-agency task force against vote-buying ng COMELEC upang ganap na masugpo ang talamak na vote-buying at vote-selling tuwing panahon ng halalan sa bansa.

“Our prayer rally affirms the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) pastoral letter for May 9 polls. The Church encourages us not to give up on our search and defense for truth. We believe that the Comelec will persevere in overcoming evil by goodness. We hope that the Comelec’s inter-agency task force against vote-buying will serve the common good,” dagdag pa ni Fr. Reyes.

Paliwanag ng Pari, kinakailangang maging mapagbantay ng bawat isa upang matiyak ang katapatan, kalinisan at katotohanan ng halalan na magtatakda sa kinabukasan ng bansa.

Batay sa Republic Act No. 7-1-6-6, mandato ng Commission on Election (COMELEC) ang pagtiyak sa pagkakaroon ng malinis, tapat at payapang eleksyon sa bansa malayo sa kaguluhan, dayaan at karahasan.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 21,624 total reads

 21,624 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 217,716 total reads

 217,716 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 249,447 total reads

 249,447 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 351,271 total reads

 351,271 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 391,832 total reads

 391,832 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 403,821 total reads

 403,821 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top