Pagnilayan sa paggunita ng Mahal na Araw ang ihahalal na lider ng bansa – LAIKO

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 849 total views

Samantalahin ang paggunita ng Mahal na Araw upang ganap na makapagnilay para sa papalapit na halalan.
Ito ang panawagan ni Bro. Jun Cruz – Pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa makabuluhang paggunita ng Semana Santa ngayong taon.

Ayon kay Cruz, mahalaga na pagnilayan ng bawat isa ang ginawang pagpapakasakit ni Hesus upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan.

Ipinaliwanag ni Cruz na tulad ng pag-aalay ng Panginoon sa kanyang bugtong na Anak para sa sangkatauhan ay marapat din isaalang-alang ng bawat isa ang kapakanan ng mas nakararami sa pagdidesisyon at pagpili ng mga karapatdapat na ihalal sa nakatakdang halalan.

“Napakahalaga po ng pagninilay lalong lalo na sa mga Mahal na Araw na ito, sana po ay mapagtibay natin sa pagpapakasakit ni Kristo para sa atin kailangan magkaroon ito ng halaga at itong halaga na ito ay hindi lang para sa atin ngunit ito’y isang halaga para din sa ating mga anak, para sa ating mga kababayan, para sa ating hinaharap,” ang bahagi ng pahayag ni Bro. Jun Cruz – Pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

Iginiit ni Cruz na hindi lamang dapat na para sa pansariling pagbabago ituon ng bawat isa ang paggunita ng Semana Santa ngayong taon kundi maging para sa ganap na pagbabago ng buong bansa.

Umaasa si Cruz na higit na maging makahulugan at makabuluhan ang paggunita ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ngayong taon kasabay ng pagbibigay buhay sa bagong pag-asa para sa bayan.

“Sana po itong Mahal na Araw na ito ay hindi lang sa atin nakatuon kung hindi para po sa pagpapanibago at pagbabagong buhay ng ating bayan, sana po maging makahulugan ang Pasko ng Muling Pagkabuhay nitong taong ito sapagkat mayroon tayong binubuhay na bagong pag-asa para sa bayan natin,” dagdag pa ni Bro. Jun Cruz.

Kaugnay nito, inaanyayahan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat mananampalataya na ituon ang pagtingin kay Hesus ngayong Mahal na Araw at humingi ng biyaya upang mas maintindihan ang misteryo ng kanyang pagpapakasakit para sa katuparan ng pangakong kaligtasan ng Panginoon sa sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 47,185 total views

 47,185 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 77,408 total views

 77,408 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 104,059 total views

 104,059 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 199,032 total views

 199,032 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 217,047 total views

 217,047 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top