Rason sa same sex union bill, hindi balido- AFFPI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 303 total views

Hindi balido ang rason ng mga nagsusulong ng Sexual Orientation and Gender Identity bill (SOGI) o mas kilala na same sex union sa bansa na tanggalin ang diskriminasyon sa Pilipinas.

Ayon kay Dr. Lito Sandejas, adviser ng Alliance for Family Foundation Philippines Inc. (AFFPI) wala siyang nakikitang diskriminasyon sa mga batas sa bansa lalo na sa usapin ng employment dahil may mga pag-aaral sa ibang bansa na mas maraming babae ang mas mataas ang posisyon sa mga trabaho.

“Ang main justification, anti discrimination bill na purpose nito tanggalin ang diskriminasyon sa atin, wala naman akong nakikitang diskriminasyon, in fact may studies international ang source, ang Pilipinas ang isa sa mga bansang matataas ang posisyon ng mga babae sa board room at executives positions and employment, so walang disikriminasyon akong nakikita,” pahayag ni Dr. Sandejas sa panayam ng Radyo Veritas.

Isa pang nakikitang dahilan ni Dr. Sandejas ay sa usapin ng government documents gaya ng marriage license.

“Second comment, nakalagay sa anti discrimination bill na maaaring magkaroon ng same sex union, bawal magdeny ang government ng application for a license. Diba kasama ang marriage license sa lisensiya? Dapat ang gawin na lamang excluding marriage licence, kasi ang justification nila ay gusto lang nila ng legal rights sakaling ang magkaparehong sex ay gusto magsama o magshare ng properties, sa ngayon ang batas mahirap kasing gawin yun to legalize civil union, pwede naman gawin ang pag-share ng properties nila pero wag nila tawaging marriage dahil may ibang connotation yun, wag sana isama ang word na marriage,” dagdag pa ni Sandejas.

Kaugnay nito, ayon kay Dr. Sandejas, hindi mabuti ang impact ng same sex union sa mga bata na tatayo ang mga parehong kasarian na kanilang magulang lalo na at may pag-aaral na mas madalas mag-away ang same sex partners kumpara sa mga normal na mag-asawa o nagsasama.

“Hindi mabuti ang impact dahil sa international studies, ang magiging impluwesniya sa mga bata kung ano ang nakikita nila, like kung nag-aaway, madalas nag aaway yang same sex union based sa studies, madalas nagpapalit mas marami sila kumpara sa normal na magpartners na nagpapakasala, kawawa ang mga bata kasi mas nakikita nila ang madalas na pagpalit ng partner,” ayon pa sa adviser ng samahan.

Una ng hinimok ni Novaliches Bishop emeritus Teodoro Bacani Jr. ang Simbahang Katolika na gamitin ang Misa, ang social media at mga catholic educational institutions para ipakalat ang tamang impormasyon sa publiko na hindi dapat maisabatas sa Pilipinas ang same sex union or the civil union of members of the LGBT community.

Hanggang nitong July ng 2016, nasa higit 20 bansa na ang nagsa-ligal ng same sex union.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 5,670 total views

 5,670 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 179,604 total views

 179,604 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 157,237 total views

 157,237 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 221,215 total views

 221,215 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 240,611 total views

 240,611 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 60,007 total views

 60,007 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 259,865 total views

 259,865 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top