10-utos ng Diyos, gamitin sa paghalal ng mga opisyal ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,089 total reads

Ang pananampalatayang Kristiyano ay hindi isang palamuti lamang.

Ito ang binigyang diin ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Southwest Luzon Regional Representative Malolos Bishop Dennis Villarojo sa kahalagahan ng ganap na pagsasabuhay sa mga turo o pangaral ni Hesus lalo na para sa nakatakdang halalan sa bansa.

Ayon sa Obispo, hindi lamang limitado sa pagdarasal at paggawa ng mga gawaing pansimbahan ang pananampalatayang Kristiyano sa halip ay nakapaloob mismo sa buhay at pagkatao ng bawat isa.

Ipinaliwanag ni Bishop Villarojo na marapat na maging batayan ang mga turo o pangaral ni Hesus sa pagpili ng mga karapat-dapat na ihalal na pinuno ng bansa.

“Ang ating pananampalataya ay hindi lamang palamuti, hindi lamang ito limited sa pagdarasal at paggawa ng mga gawaing relihiyoso kundi ito ay dapat na isabuhay at nagkukulay din ito sa ating pag-iisip at damdamin kaya kailangan na ang pananampalatayang ito na mga parangal sa atin ng ating Panginoong Hesukristo ay magiging batayan ng ating pagpili [ng ihahalal].”pahayag ni Bishop Villarojo sa panayam sa Radio Veritas.

Inihayag ng Obispo na mahalagang suriin muli ng bawat isa ang Salita ng Diyos partikular na ang Ten Commandments o ang Sampung Utos ng Diyos upang maging batayan sa pagpili ng karapat-dapat na iboto sa darating na halalan.

Ayon kay Bishop Villarojo, dapat na tuwinang isabuhay at isaisip ng bawat isa ang nasasaad sa Sampung Utos ng Diyos partikular na ang huwag pumatay, huwag magnakaw at huwag manirang puri ng kapwa.

Iginiit ng Obispo na dapat ito maipamalas sa pang-araw-araw na buhay, sa pakikibahagi sa iba’t ibang usaping panlipunan lalo’t higit sa pagpili ng ihahalal sa halalan sa ika-9 ng Mayo, 2022.

“Kailangan nating basahin ang Salita ng Diyos na nagsasabi sa atin na maging mabuting tao, ang Ten Commandments na nagsasabing huwag pumatay, huwag magnakaw, huwag manirang puri, itong mga bagay na ito ay dapat isabuhay natin at ang pagsasabuhay na ito ay hindi lamang sa tahanan kundi yung engagement natin yung gawain natin sa lipunan sa lahat ng aspekto ng ating buhay, kaya sa ating pagboboto o pagpipili [ng ihahalal] ay dapat na nakabatay doon sa Ten Commandments.” Dagdag pa ni Bishop Villarojo.

Matatandaang layunin ng inilunsad na One Godly Vote election campaign ng Archdiocese of Manila Commission on Social Communication na binubuo ng Radyo Veritas 846, TV Maria at Manila Archdiocesan Office of Communications ay upang magabayan ang bawat botante sa paghalal ng mga kandidatong maka-Diyos at may hangaring solusyonan ang mga suliranin ng bansa sa maka-Diyos at makataong pamamaraan batay sa Social Doctrines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 11,380 total reads

 11,380 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 119,397 total reads

 119,397 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 156,184 total reads

 156,184 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 186,758 total reads

 186,758 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 234,660 total reads

 234,660 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top