Magkaisa para sa kapakanan ng bansa, panawagan ng Obispo sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 776 total reads

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng Simbahang Katolika upang gabayan ang mamamayan na magkaisa para sa kapakanan ng buong bayan sa nalalapit na halalan.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, National Director ng Caritas Philippines, dapat na samantalahin ng Simbahan ang mataas na tiwala ng sambayanan upang magabayan at mapatnubayan ang bawat isa para sa matalino, marangal at maka-Diyos na pakikilahok sa nakatakdang National and Local Elections sa bansa.

Sa naganap na Halalang Marangal 2022 Election Summit, tinukoy ni Bishop Bagaforo na siya ring lead Convenor ng Halalang Marangal 2022, ang 2021 Philippine Trust Index kung saan lumabas ang Simbahan ang isa sa pinaka-pinagkakatiwalaang institusyon ng taumbayan sa lipunan.

“You know that 2021 Philippine Trust Index have place the church with the highest trust rating from the public and so let us put that trust into good use by converting faith into action, let us all pray and work harder for a Halalang Marangal 2022,” ang bahagi ng pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo.

Ipinaliwanag ni Bagaforo na bilang kasapi ng lipunan ay mahalagang magabayan ng Simbahan ang bawat isa na seryosohin ang pakikilahok sa halalan sa pamamagitan ng matalino at maka-Diyos na pagkilatis sa bawat kandidato na ihahalal sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.

Ibinahagi ng Obispo na sinasalamin ng boto ng bawat isa ang pagpapahalaga sa kapakanan at dignidad ng lahat na isang pundasyon ng panlipunang turo ng Simbahang Katolika.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na mahalaga ang pagkakaisa ng sambayanan sa nakatakdang halalan upang ganap maisulong ang matagal ng hinahangad na pagbabago sa paraan ng pamamahala sa bansa.

“As a church and as members of the civil society we need to bond together better and more sincerely so we leave no one behind in this very important electoral exercise. We are able to influence at some point how our people have been engaging actively in the political discourses online and in their homes, how debates are now geared towards finding out the truth in revealing fake information but we feel and know that we are also in need that we turn this influence into votes that matter so that in the next 6-years we will be able to stamp a new brand of governance for the Pilipino people,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Una ng nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa may 67-milyong mga botante na seryosohin ang pakikisangkot sa kabuuang proseso ng nakatakdang halalan bilang bahagi ng pananagutan hindi lamang para sa bayan kundi maging sa kapwa mamamayang Pilipino.

Batay sa tala ng Commission on Elections (COMELEC) aabot sa mahigit 18-libong posisyon sa pambansa at lokal na pamahalaan ang kinakailangang mapunan sa nakatakdang halalan sa bansa kabilang na dito ang pinakamataas na mga lider ng bansa sa pangunguna ng pangulo, pangalawang pangulo at mga mambabatas.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 19,734 total reads

 19,734 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 213,772 total reads

 213,772 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 245,503 total reads

 245,503 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 347,326 total reads

 347,326 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 387,888 total reads

 387,888 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 400,034 total reads

 400,034 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top