Mamamayan, pinag-iingat ng Obispo sa Omicron subvariant

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 502 total reads

Pinaalalahanan ng simbahan ang mamamayan na patuloy na sundin ang minimum public health standards laban sa coronavirus disease.

Ginawa ni Baguio Bishop Victor Bendico ang paalala matapos na maiulat sa Baguio City ang unang kaso ng Omicron BA.2.12, isang Omicron subvariant na mabilis na makapanghawa.

Sinabi ng obispo na mahalagang patuloy na tumalima ang publiko sa panuntunan ng pamahalaan upang maiwasan ang posibleng pagkahawa sa virus.

“Yung mga tao rito [sa Baguio City] ay palaging sinasabihan ng wearing of face mask at social distancing. Hoping na hindi na kakalat pa ang bagong [variant] dito,” pahayag ni Bishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa Department of Health, nagmula sa isang 52 taong gulang na babaeng Finland national ang unang kaso ng Omicron subvariant na dumating sa bansa noong April 2.

Nagtungo ang dayuhan sa isang pamantasan sa Quezon City at sa Baguio City upang magsagawa ng seminar.

Sa huling pagsusuri ng DOH, mayroong 44 na close contacts ang babae kung saan ang lima rito ay naitala sa Benguet, siyam sa Quezon City, at ang 30 indibidwal naman ay ang mga nakasabay niya sa eroplano papuntang Maynila.

Sa kasalukuyan, magaling na sa virus ang Finland national at nakabalik na rin sa kanyang bansa noong April 21.

Samantala, ikinabahala naman ni Bishop Bendico na kapag muling tumaas ang kaso ng COVID-19 hindi lamang sa Baguio City, kundi maging sa buong bansa, posibleng ipagbawal muli ang mga pampublikong pagdiriwang ng simbahan.

“Kung sakaling dadami na naman ang mga cases, back to old ways and strict protocols na naman,” ayon sa obispo.

Gayunman, dalangin ng obispo na ang nasabing Omicron subvariant nawa’y hindi na magdulot pa ng panibagong pangamba sa publiko lalo na’t nalalapit na rin ang 2022 National and Local Elections sa Mayo 9

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 20,259 total reads

 20,259 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 214,926 total reads

 214,926 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 246,657 total reads

 246,657 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 348,481 total reads

 348,481 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 389,042 total reads

 389,042 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 401,169 total reads

 401,169 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 142,605 total reads

 142,605 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top