Gobyerno, hinamon ng EILER na tutukan ang kapakanan ng manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,455 total reads

Inaasahan ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) na bigyang prayoridad ang kapakanan ng mga manggagawa.

Ito ang mensahe ng grupo sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa May 01.

Inihayag ni Rochelle Poras, Executive Director ng EILER, na nararapat pahalagahan ng pamahalaan ang mga manggagawa dahil sila ang nagsasalba sa sektor ng ekonomiya.

Pananalangin din ng EILER mawakasan na ang “contractualization” na nagpapahirap sa kabuhayan ng mga manggagawa.

“Panalangin natin na makamit ng mga manggagawa ang dignidad sa paggawa: ang magkaroon ng nakabubuhay na sahod na sasapat sa pangangailangan ng kanilang pamilya, ligtas na lugar-paggawa, at angkop na proteksyon at suportang panlipunan sa mga panahong nagigipit ang mga manggagawa,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Poras sa Radio Veritas.

Tiwala din si Poras na nananatili ang simbahan na kaagapay ng mga manggagawa sa tulong ng mga labor ministry at commissions.

Nanindigan si Poras na dapat ipagmalaki ng bawat binyagang katoliko na si San Jose na kumupkop at nag-alaga sa Panginoong Hesukristo ay ang Patron ng mga Manggagawa.

“Ang simbahan ay katuwang ng mga manggagawa sa pagkilala sa karapatan at dignidad sa paggawa. Sa pamamagitan ng mga Labor Desk ng simbahan ay nagkakaroon ng ugnayan at tulungan na higit na nakakapagpalakas ng boses ng mga manggagawa. Mahalagang maipagmalaki ng mga manggagawa na ang ama ni Kristo na si San Jose ay isa ring manggagawa. Sa gayon, hindi mahirap isipin na sila rin ay maaaring maging mga tagapaghatid ng tunay na pagbabagong panlipunan,” pagbabahagi pa ni Poras.

Una naring ipinananawagan ni Balanga Bishop Ruperto Santos na piliin ang mga kandidatong tutuparin ang kanilang mga plataporma’t uunahin ang kapakanan at hindi aabusuhin ang karapatan ng mga manggagawa.

Nawa ayon sa Obispo ay gawing ding huwaran ng mga mamamayan si San Jose na Manggagawa na walang pag-aatubiling sinunod ang mga utos ng Diyos sa pagpili ng mga susunod na lider na magsasabuhay ng layunin ng Panginoon para sa lipunan.

Noong May 01 1903 ng unang gunitain ang araw ng paggawa sa Pilipinas matapos isagawa ang kilos-protesta sa pangunguna ng Union Obrero Democratia de Filipinas (UODF) upang ipananawagan sa pamahalaan ang pantay at may dignindad na karapatan ng mga manggagawa.

May 01, 1913 naman nang unang ideklara at ganap na maisabatas ang International Labor day bilang National Holiday.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 8,277 total reads

 8,277 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 41,196 total reads

 41,196 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 135,423 total reads

 135,423 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 195,917 total reads

 195,917 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 209,825 total reads

 209,825 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 290,175 total reads

 290,175 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 31,504 total reads

 31,504 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »
Scroll to Top