Obispo, umaapela sa mamamayan na i-triple check ang nababasa at napapanood sa social media

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 707 total reads

Umaapela si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa publiko na huwag basta paniwalaan ang mga nababasa at napapanuod sa social media.

Iginiit ng obispo ang kawalang pananagutan ng sinumang naglalagay ng content sa social media lalo na ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon.

“Dili nato angay tuhoan dayon ang atong mabasa o madungog diha sa social media platforms; daghan ang nagbutang og content sa social media nga nagtakuban, ug tungod niini wala sila’y public ug legal accountability sa unod sa ilang mga gipanuwat o gipanulti,” bahagi ng pahayag ni Bishop Uy. ([Dapat hindi agad paniniwalaan ang mga nababasa at naririnig sa social media platforms; marami ang nagbabahagi ng content sa social media na mapagpanggap kaya wala silang public at legal accountability sa nilalaman ng mga isinusulat at sinasabi])

Batid ni Bishop Uy ang naglipanang trolls na binabayaran upang sirain ang kapwa at isinasantabi ang kasagraduhan ng katotohanan.

Una nang nanawagan si Nassa/Caritas Philippines National Director at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa mamamayan lalo na sa mga kandidato na iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa halip ay ilahad ang tunay na mga plataporma na mapakikinabangan at maging batayan sa pagpili ng mga botante.

Labis na nabahala ang simbahan sa laganap na disinformation sa social media lalo’t sa pag-aaral ng Datareportal Digital Report 2022 nasa 76 na milyong mga Pilipino ang gumagamit ng internet o 68 porsyento sa kabuuang 110-milyong populasyon ng bansa.

Naitala rin ng grupo ang 92-milyong Pilipino na social media users o katumbas sa 82-porsyento sa kabuuang populasyon.

Batay sa pag-aaral 83-milyon ang aktibo sa Facebook; 56-milyon sa YouTube; 55-milyon sa Facebook Messenger; 35-milyon sa TikTok; 18-milyon sa Instagram; at 10-milyon sa Twitter.

Ang mga nasabing social media platform ang pinakaginagamit sa kasalukuyan sa pangangampanya ng mga kandidato sa 2022 national and local elections.

Matatandaang hinikayat ni CBCP Social Communications Ministry Chairman at Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. ang mamamayan na gamitin ang social media sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon sa halip na fake news at disinformation.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 8,308 total reads

 8,308 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 41,230 total reads

 41,230 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 135,457 total reads

 135,457 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 195,951 total reads

 195,951 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 209,859 total reads

 209,859 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 290,207 total reads

 290,207 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top