Robredo, nanguna sa Veritas Truth Survey

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,244 total reads

Nangunguna si Presidential aspirant Vice President Leni Robredo sa mga kandidatong iboboto ng mga botante batay sa kanilang Catholic values and tradition.

Sa isinagawang Veritas Truth Survey sa tanong na kung sino sa mga presidentiables ang kanilang iboboto base sa kanilang ‘Catholic values and beliefs’ ay lumabas na 48-porsyento sa 2,400 respondents ang iboboto si Robredo batay sa kanilang paniniwalang Katoliko.

Sinundan naman ito ni Ferdinand Marcos Jr. sa 38-percent, Sen. Panfilo Lacson at Manila Mayor Isko Moreno na nakakuha ng 5-percent, Sen. Manny Pacquiao sa 2-percent habang kapwa nakakuha naman ng tig-isang porsyento sina Ka Leody De Guzman at dating Defense Secretary Norberto Gonzales.

Ayon kay Radio Veritas President Father Anton CT Pascual layunin ng survey na sukatin ang pulso ng mga botante batay sa kanilang paniniwala at pananampalatayang Katoliko.

“For the Catholic Voters that served as respondents for this survey, this survey tells us that based on Catholic Values and Beliefs, VP Leni has a significant advantage over former Sen. Marcos, Jr. and that Catholic Voters are inclined to vote for her,” ang bahagi ng pahayag ni Rev. Fr. Anton CT. Pascual.

Paliwanag ng Pari, ang naturang Veritas Truth Survey ay sumasalamin na karamihan sa mga Katoliko ay naghahanap ng mga kandidato na nagtataglay ng ‘servant leader qualities’ na may tunay na hangaring maglingkod sa bayan ng tapat at may pagmamalasakit sa mamamayang Pilipino.

Pagbabahagi ni Fr. Pascual, nakapaloob sa pananampalatayang Katoliko ang mga katangian ng mga tunay na lingkod ng bayan o servant leaders na maglilingkod ng tapat at totoo sa taumbayan habang tanging kapangyarihan at posisyon lamang ang kadalasang ninanais ng mga traditional leaders na mas higit na binibigyang prayoridad ang pansariling interes at kapakanan.

“Such results are an affirmation that for most Catholic Voters, servant leader qualities are the basis of choice for these are deeply rooted in a Catholic’s values and beliefs. While traditional leadership generally involves the accumulation and exercise of power by one at the ‘top of the pyramid’, servant leadership is different. The servant-leader shares power puts the needs of others first and helps people develop and perform as highly as possible,” dagdag pa ni Fr. Pascual.

Inihayag naman ni VTS Head Bro. Clifford Sorita na kung susuriin ang tugon sa survey batay sa edad ng mga botante na 40-hanggang 60-taong gulang ay bahagyang nakakaungos si Marcos kay Robredo sa 45-porsyento kumpara sa 43-porsyento.

Sa kabila nito ayon kay Sorita ay nangunguna naman si Robredo iba’t ibang age group “VP Robredo has more voters in her favor among those ages 18–20 at42% versus 37%; ages 21-39 years old at 51% versus 35%; and 61 years old and above at 77% versus 32%.”

Nilinaw naman ni Sorita na ang nasabing survey ay hindi voting preference kundi upang makita kung ano ang mas pipiliin ng mga Catholic Respondents batay sa kanilang paniniwala at pananampalataya.

Ginanap ang VTS nationwide survey noong April 1, 2022 hanggang April 30, 2022 sa pamamagitan ng text-based at online data gathering.

Patuloy namang pinaiigting ng Radio Veritas at social communication ministry ng Archdiocese of Manila ang One Godly Vote election campaign na layuning gabayan ang may 67-milyong botante na matalino at maka-Diyos na kilatisin at kilalanin ang bawat kandidato sa nalalapit na halalan sa May 9, 2022.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 5,107 total reads

 5,107 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 128,617 total reads

 128,617 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 178,981 total reads

 178,981 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 306,039 total reads

 306,039 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 391,340 total reads

 391,340 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top