Tondo, binisita ng French Ambassador to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 726 total reads

Binisita ni French Ambassador to the Philippines Michèle Boccoz ang Smokey Mountain sa Balut, Tondo, Manila upang alamin ang kalagayan ng mga naninirahan sa lugar.

Sa pag-iikot sa Smokey Mountain, ikinabahala ni Boccoz ang kalagayan ng mga mahihirap na pamilyang naninirahan sa lugar lalo na ang mga bata na karamihan ay dumaranas ng malnutrisyon.

“I’m really worried looking at the children ’cause some of them are so small, I guess they have stunting problems and nutrition is so essential for their future,” bahagi ng pahayag ni Boccoz sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ng kinatawan ng French government sa bansa na maliban sa kahirapan ay marahil nakadagdag pa lalo sa dinaranas ng mga taga-Smokey Mountain ang pag-iral ng pandemya.

Nakasama rin ni Boccoz sa pag-iikot si Caritas Manila executive director Father Anton CT Pascual kung saan namahagi ito ng mga masustansiyang pagkain para sa mga bata at gift certificates bilang tulong sa mga pamilya.

Ikinatuwa ni Fr. Pascual ang pagdalaw ng French diplomat dahil nasaksihan nito ang ginagawa ng Caritas Manila sa pamamahagi ng tulong at suporta para sa mga higit na nangangailangan.

“Napakahalaga na tayo ay napagkakatiwalaan lalong lalo na ang Caritas Manila at salamat sa Diyos at may mga ganitong leaders tulad ni Ambassador Michele Bocooz ng France na gustong dumalaw at makita ang ginagawa ng Caritas,” pahayag ni Fr. Pascual.

Samantala, nabanggit ni Boccoz na ang French government ay sinisikap na makapagpaabot ng tulong sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas lalo na sa mga mahihirap na komunidad.

Tinukoy nito ang iba’t ibang programa tulad ng pagtatanim ng mga prutas at gulay na maaaring pagkunan ng pagkain at negosyo.

“We are trying to help the population to know how to prepare their own compost, we give them seeds, we teach them how to grow their vegetables so that they can have free food or even they can grow more and they can sell it on the market,” ayon kay Boccoz.

Layunin din nitong itaguyod ang kahalagahan ng edukasyon maging ang pagpapabuti sa kalusugan ng mga nasa mahihirap na pamayanan.

Nagpapasalamat naman si Fr. Melky Ukat, SVD, ang kura paroko ng Risen Christ Parish, Smokey Mountain para sa pagbisita ng kinatawan ng French Government sa bansa.

Ayon kay Fr. Ukat na ang pagbisita ng French Ambassador ay isang malaking suporta lalo na’t ang populasyon ng Smokey Mountain ay binubuo ng “poorest of the poor”.

“Masayang-saya ako bilang parish priest kasi kahit papaano may konting tulong tayo [mula sa French government]. Ang pagbisita nilang ito ay isang suporta sa amin lalo na’t majority dito ay poorest of the poor. So ito ay isang pasasalamat at malaking tulong dito,” pahayag ni Fr. Ukat.

Pebrero nang nakaraang taon nang italagang French Ambassador ng Pilipinas si Boccoz, kung saan nangako itong palalalimin ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas at Pransya sa larangan ng depensa, ekonomiya at kalusugan.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 12,149 total reads

 12,149 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 14,477 total reads

 14,477 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 31,901 total reads

 31,901 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 81,756 total reads

 81,756 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 175,981 total reads

 175,981 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 236,470 total reads

 236,470 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 250,377 total reads

 250,377 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 328,849 total reads

 328,849 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 69,630 total reads

 69,630 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top